Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa - Pilipinas
Programa at Tungkulin ng RPM-P

PROGRAMA AT TUNGKULIN NG NG RPM-P

I. KONTEKSTO

1. Palala ang kahirapan ng uring ma n ggagawa at mamamayan sa buong mundo habang patuloy ang konsentrasyon ng yaman sa kamay ng iil ang pandaigdigang korporasyon. Ito’y sa harap din ng patinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo na nitong nakaraang tatlong taon ay tumama sa mismong sentro ng kapitalismo, ang Estado s Unidos at sa kasalukuyang hamahagupit pa sa Orop a at umaapekto sa ekonomiya ng buong mundo.

 

2. Walang palatandaang makabawi at ma stabilisa pa ang buong sistema ng kapitalista sa harap ng krisis na ito. Sa halip, ang kaakibat na resulta nito ay ang dagdag na pahirap sa manggagawa sa pamamagi tan ng mga austerity measures , pagbawi ng mga benepisyo sosyal, mass unemployment, dagdad na buwis, paliit na purchasing power at patinding pagsasamantala at pang aapi.

 

3. Palubog na ang kampo ng kapitalismo at imperyalismo at wala na ng saysay ang tinitindigan nitong doktrina ng neo libe ralismo ng malayang kumpetisyon, liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon. Ang pinansyalisasyon o pagpangibabaw ng pera na hindi naibalik sa iko t ng produksyon ay siya mismo ng pumapatay sa produktibong pwersa at sumisira sa buong sistemang kinakalagyan nito.

 

4. Panahon na ng pagbangon ng uring manggagawa at mamama yan at muling pagsiklab ng makauring tunggalian sa iba’t ibang panig ng m undo na ipinap akita ng paglaban ng manggagawa sa austerity measures sa Oropa, pagbuhos ng malakas na kilusang masa at mga rebolusyon sa Middle East at North Africa , Occupy Movement sa Estados Unidos na lumaganap sa iba’t ibang sulok ng mundo, at iba pang mga radikal n a mga pangyayari. Seguradong kasabay nito ang pagbago rin ng kamulatan at kamalayan ng lipunan.

 

5. Bilang integradong bahagi ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo, ang Pilipinas ay hindi ligtas sa direktang epekto ng pansistemang krisis na ito. Walang humpa y ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ng langis, mass unemployment , pagkalugi ng mga negosyo , mabilis na pagbaba ng purchasing power , maraming buwis na pinapataw ng gobyerno habang hindi naman umuunlad ang serbisyo, at iba pa. Ang iilang mayaya man ay lalo
pa ng yumayaman, habang ang napakaraming mahihirap ay l alo pa ng dumarami at humihirap.

 

6. Sa kanay unan, ang mabili s na pagkawasak ng uring pes ante ay nagtransporma sa mayoryang uring ito patungo sa pa giging manggagawa. Ang bagong uri ng landless rural poor na walang lupa na masaka o ang ma liliit na lupang sanasaka ay hindi sapat para sa pangangaila ngan ng pamilya ay siya ngayo ng b umubuo ng mayor y a ng populasyon sa kanayunan. Sa kabila ng pa pa raming bi lang ng walang trabaho sa kanayunan at agrikultura walang rin namang kaakibat na pagdami ng mapapasukang trabaho sa industriya o maging sa serbisyo. Ang resulta ay ang paglubo ng urban migration at ang pagdami ng bilang ng mal a proletaryado at mahihirap sa k alunsuran. Ang tanging pag asa sana ay ang overseas employment ngunit sa ngayon ay sumusikip na r in ang oportunidad dahil sa lumala lang pandai gdigang krisis ng kapitalismo, ang kaakibat na austerity measure s na pinapatupad ng mga estado, at dahil sa humihigpit na kumpetisyon sa labor market.

 

7. Walang maasahan ang uring manggagawa sa sistemang kapitalismo na sa ngayon ay dumaranas ng tumit inding krisis. Ang tanging solusyon ay ang proletaryo sosyalistang rebolusyon pinamumunuan ng Partido ng uring manggag awa na siyang radikal na magbabago ng kaayusan ng lipunan tungo sa hustisya, kaunlaran at pagkapantay pantay.

 

II. ES ENSYA NG PROGRAMA NG PARTIDO

1. Inilinaw ni Lenin ang usapin sa pu nt ong ito ng esensya ng programa na komon sa lahat ng mga Partido at sosyalista: “We have s tated that the essence of this (party) programme is to organize the class struggle of the proletariat and to lead this struggle, the ultimate aim of which is the conquest of poli tical power by the proletariat and the establishment of a socialist society Itong makauring pakikibaka ay binubuo ng pang ekonomiyang pakikibaka (pakikibaka laban sa indibidwal na kapitalista o indibidwal na grupo ng kapita lista para sa pagpapa unlad ng kondisyon ng manggagawa) at ang pampulitikang pakikibaka (pakikibaka laban sa estado para palawakin ang karapatan ng mamamayan, i.e. demokrasya, at palawakin ang pampulitikang kapangyari han ng manggagawa). Sinasabing ang pang ekono miya at pampulitikang pakikibaka ay laging nagsasalubong, dahil lahat na pag ekonomiyang pakikibaka ay pampulitik ang pakikibaka rin. Sa pang ekonomiyang mga usaping ito, laging may kinalaman ang polisiya at batas ng estado at pinangh ihimasukan ng pulis at/ o ahente ng estado.

 

2. May tatlong bahagi at/ o yugto kung gayon ang programa ng Partido na kung saan ang laman nito ay nakabatay sa kongkretong kalagayan ng bansa at ng mundo sa ngayong yugto ng kapitalistang pag unlad:

a) Yugto ng rebolusyonaryong preparasyon o ang pag oorganisa ng pakikibaka ng manggagawa at pamumuno nito tungo sa pagpapalakas ng pwersa at pag angat ng kamalay an ng uring manggagawa batay sa mga pang araw araw na pang ekonomiyang kahilingan at demokratikong hangaring maangkin ang pampulitika kalayaan at mapalakas ang pampulitikang kapangyarihan

b) Yugto ng Rebolusyon kung saan mangyayari sa kondisyong may sapat na na lakas ang uring manggagawa at kung ipinapahintulot ng kongretong kalagayan na paborable, ilulunsad ang rebolusyonaryong pag agaw ng kapangyarihan pampulitika mula sa kamay ng naghaharing uring kapitalista at;
c) Sa kondisyong nasa kamay na ng uring manggagawa ang kapangyarihan, ang pagtataguyod ng sosyalistang transisyon at konstruksyon.

 

III. PAGPAPALAKAS NG REBOLUSYONARYO SOSYALISTANG PWERSA
  

A. Pag oorganisa at Pamumuno sa Pakikibaka ng Uring Manggagawa
1) Ang ultimong tunguhin at layunin ng RPM P ay ang rebolusyonaryong pag agaw ng pampulitikang kapangyarihan at pagtayo ng diktadurya ng uring manggagawa at pagpapairal ng workers democracy tungo sa sosyalistang pagbabago ng lipunan. Walang anumang pagbabago n g mang ya yari sa lipunan habang hindi mapa sa sakamay ng uring manggagawa ang pa n g estadong kapangyarihan para itaguyod ang kanyang hangarin. Sa kabilang banda, imposible ang naturang rebolusyonaryong pag agaw habang walang sapat na lakas ang uring manggagawa para isagawa ito.

 

2) Rekisito kung gayon sa rebolusyonaryong pag agaw ng kapan gyarihan ang sapat na pwersang organisado at mulat pa ra dito kung saan hahatak ito ng mas malaking pang bilang ng espontanyong pwersa at maging panggitnang pwe rsa ng peti burgesya para mapasi guro ang desaysibong tagumpay. Dito papasok ang usapin ng pag oorganisa. Bilang Partido, sentrong tungkulin nito ang pag oorganisa ng uring manggagawa saan
man ito naroon at sa pinakamalaking bilang nito. Sa pag oorganisa, kailangan ang pag ira l ng mga kagyat at pang araw araw na mga isyu, batayan at mga kahilingan na may kinalaman sa interes ng manggagawa na siyang pag uumpisahan ng panimulang propaganda, ahitasyon at edukasyon para sa panim ulang pagmumulat, pag oorganisa, at pagpapakilos.

 

3) Ang pag oorganisa ay maaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang porma ng makauri at maka demokratikong organisasyon unyon sa regular na manggagawa; asosasyon sa iba’t ibang sektor nito tulad ng maralita sa kanayunan, maralita sa kalunsuran, kabataan at estu d yante, kababaihan, tsuper, at iba pa. Organisahin ito mula sa lokalidad hanggang maging ganap na pambansang mga pederasyon at sentro ng hayag na kilusan. Sa ngayong umiiral na ang panimulang porma ng mga makinar yang ito, ang kagyat na gawain ay a ng pagba langkas ng kanya kanyang mga adyenda batay sa umiiral na mga kalagayan at problema. At saka paandarin ang kanyang dinamismo bilang organisasyon.

 

4) Dapat alalahanin na ang hugis, kondukta at direksyon ng pag oorganisa, pagmumulat, pagpapakilos at pag papaunlad ng kilusan at pakikibaka ng uring manggagawa ay nakabalangkas sa st ra tehiyang napagpasyahan ng kilusan. Ibig sabihin, ang proseso ng pag oorganisa at pagpapalakas, ang mga makinaryang tinatayo at a ng pagtuunan ng mga re kurso ay naayon sa direksyon n g insureksyon na siyang stratehiyang napagpasyahan ng Partido sa kasalukuyan.


B. Laman ng Pang ekono miya at Pampulitikang Pakikibaka Batay sa kasalukuyang umiiral na kalagayan ng bansa at batay sa partikularidad nga iba’t ibang sektor ng manggagawa, ito’y maaring magsaklaw ng mga sumusunod na pakikibaka at kahilingan:



(1)Pagpapataa s ng sahod, benepisyo, serbisyo, at subsidy a sa mga batayang
pangangailangan;
(2) Progresibong sistema ng pagbubuwis;
(3) Seguridad sa trabaho atlaban sa kontraktwalisasyon;
(4) Non-wage benefits tulad ng pagpapalaki ng exemption sa withholding tax
(5)Karapatan sa pag uunyon, factory councils at malayang pamamahayag;

(6) Programa sa pabahay
(7)Urban land reform, kaseguruhan sa pabahay, moratorium sa demolition, on site
development;
(8) Medical benefits at iba pang panlipunang benepisyo;
(9) Malawakang employment program
(10)Istriktong pagtataguyod ng karapatan g pantao;
(11) Moratorium sa pagbayad sa utang panlabas;
(12) Repormang agraryo, de mokratisasyon, kumprehensibong subsidy at support services sa sakahan;
(13) Repeal ng EVAT sa langis at iba pang batayang produkto at serbisyo
(14) M ga kahilingan hinggil sa proteksy on ng kalikasan
(15) Pagtigil sa graft and corruption sa burukrasya
(16) Kahilingan hinggil sa reporma ng sistema sa halalan at hinggil sa totoong empowerment ng uring manggagawa

 

 

C.Pampulitikang Konsolidasyon at Pagpapal akas ng Partido

Sa prose so ng pag oorganisa, pagmumulat, at pagmomobilisa ng uring maggagawa tungo sa pagpapalakas ng pwersa sa yugto ng rebolusyonaryong pre parasyon, susing tungkulin rin ng Partido ang patuloy na pampulitikang konsolidasyon sa pamamagitan ng teoretikal na pag aaral hinggil sa teorya ng sosyalismo at Marxismo Leninismo upang iangat ang kamulatan ng organisadong pwersa at ng masa ng uring manggagawa; patuloy na pagsasanay sa iba’ t ibang linya ng pampulitikang gawain at patuloy na pagpapaunla d ng kakayahan sa paglaban sa kaaway ng uri at estado sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagsabak sa direktang pampulitikang mga aksyong kumukumpronta sa mga kaaway n g uri.

Kasabay rin sa gawaing ito ang pagpapalakas ng kumprehensibong kakayahan ng Partido para pamunuan ang pakikibaka at ang darating na kulminasyon ng rebolusyonaryong proseso ang insureksyon o pangkalahatang pag alsa. Maka ka mit ito sa pamamagitan rin ng tuloy tuloy na pag aaral sa rebolusyonaryong teorya at pagpapaunlad ng mga kadre; pagbaka ng lahat na mga maling tendensya at aktitud lalo na ang laganap na liberalismo at oportunismo sa loob ng Partido.


D.Pangangailangan ng Pagpapalakas ng Sosyalistang Propaganda at Edukasyon

Huwag kalimutan kailanman na ang propaganda, ahitasyon at edukasyon hinggil sa sosyalismo bilang buod ng ating programa at bisyon para sa lipu nan ay dapat integral na bahagi ng ating pang araw araw na pampulitikang gawain at pakikibaka. Bilang plataporma de gobyerno at alternatiba sa kasalukuyang kaayusan, hin di natin ito dapat itago. Bagkus, dapat malawakan at puspusang isiwalat ito sa anu mang paraan at sa lahat na pagkakataon.


E.Pagpapaunlad ng Rebolusyonaryong Nagkakaisang Prente

Hindi tayo nagiisang Marxista Leninistang Partido na nagdadala ng sosya listang programa sa Pilipinas. May mga kapareho tayong mga partidong hin di nag iiba ang linya sa atin. Sisikapin nating masusteni at mapaunlad ang relasyon sa mga Partidong ito sa balangkas ng isang rebolusyonaryong nagkakaisang prente sa batayan ng sosyal istang plataporma. Ituloy ang mga umaandar na ugnayan at mas lalong p a unlarin ito sa pamamagitan ng pagwawaksi ng sektaristang tendensya nang sa gayon mapapalakas ang rebolusyonaryo sosyalistang kilusan sa ngayong panahon ng patinding kapitalista at imper yalistang kris is at panahong nangangailangan ng malinaw na sosyalistang alternatiba.


F. Rebolusyonaryong Hukbo at Usaping Pangkapayapaan

Ang mismo ng katangian ng estado na may armado at marahas na instrumentalidad na ginagamit laban sa nakikibakang mang gagawa at mamamayan ang siyang nagtatakda ng pangangail angan din ng armadong contingent ng rebolusyonaryong kilusan. Ito a y usapin ng prinsipyo dahil kail an man hindi isusuko ng naghaharing uring kapitalista ang kapangyarihan sa mapayapang pararan. Ang pa g a gaw nito ay dadaan at dadaan sa marahas na pamaraan at iyan nga ang katangian ng armadong insureksyon na siyang stratehiya ng Partido para maagaw ang kapangyarihan. Sa kabilang banda ang pagkakaroon ng regular na rebolusyoaryong hukbo na mula sa umpis a ay integral na bahagi ng pakikibaka ay hindi usapin ng prinsipyo kundi isang katotohanang aktwal nang umiiral ng itayo ang RPM P, at ang hukbong ito ay patuloy na sinususteni hanggang ngayon na siyang subject ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng kilus an at burges na gobyerno. Palakasin at patibayin natin ang regular na hukbong ito habang bukas tayo sa pampulitikang areglong magresulta sa ilang konsesyon sa bahagi ng burges na gobyerno s a anyo ng makabuluhang pa gbabago sa polisiya pabor sa mamamayan at sa pagpalakas ng hayag at legal na kilusang masa. Ano pa man, puspusan nating palakasin ang lokal na pwersa bilang susing rekisito sa insureksyonaryong tunguhin ng Partido, habang bukas ang ating opsyon sa usapin ng regular na rebolusyonaryong hukbo ayon sa pangangailangan at aktwal na takbo ng rebolusyonaryong pakikibaka.

 

 

G. Parliamentaryong Pakikibaka

Ang parliamentaryong pakikibaka ay integral na bahagi ng rebolusyonaryong kilusang sosyalista. Ito ay mahalagang arena ng labanan kung saan maihayag at maipaglaban ang linya at programa ng Partido at maaring maipanalo ang ilang mga pang ekonomiya at demokratikong kahilingan ng manggagawa at mamamayan. Ang panahon ng halalan ay mahalagang oportunidad para mapalapit a ng Partido sa ma sa at malawakang maipropaganda at maisiwalat ang ang ating sosyalistang linya at programa. At sa katangian ng pulitika ng Pilipinas kung saan ang isang halal na parliamentarista ay may taglay na kapangyarihan, katayuan at rekurso, malaking ambag ito sa pagpapalakas ng sosyalistang kilusan. Seryosohin natin ang usaping ito sa pamamagitan ng pagbubuo at pagpapalakas ng parliamentaryong partido na maaring mag umpisa bilang Partylist at sisiguruhing makapapanalo tayo ng pwesto sa burges na leh islatura bilang kinatawang totoong magdadala ng ating linya at nagpailalim sa polisiya at patakaran ng rebolus yo naryong partido.


H. Internationale

Ang pagpapalakas ng ating ugnayan, pakikiisa at pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga partido at kilusan sa mga bansa sa mundo ay isang imperatibo sa ngayon. Mahalaga ito noon pa at mas lalong k a ilangan ito ngayon dahil sa kasalukuyang katangian ng pandaigdigang kapitalismo na
labis ng integrado at mahigpit na pinag uugnay ugnay ng pandaigdigang kapital ang mga bansa. Dahil pandaig digan ang katangian ng kalaban, pandaigdigan din ang kilusang sosyalista at dapat ganoon din ang ating aktitud at tunguhin. Ma a ari itong pag umpisahan sa pamamagitan ng pagmaksimisa ng internet at social networking sites para sa mabilis na palitan at pagsisiwalat ng mga impormasyon hinggil sa mga nagaganap na mga pan gyayari sa iba’t ibang kilusan at ang kaakibat na pagtutulungan hinggil dito.

 

 

IV.PAG AGAW NG KAPANGYARIHAN PAMPULITIKA O YUGTO NG INSUREKSYON

Ang rebolusyonaryong pag agaw ng kapangyarihan mula sa kamay ng naghaharing uring kapit alista ay siyang pampulitikang rurok ng ating makauring at rebolusyonaryong kilusan at pakikibaka . Para sa layuning ito nagsisilbi ang ating pag oorganisa at p agpalakas ng pwersa at Partido. Makakamit natin ito sa pamamagitan ng pangkalahatang pag alsa ng uring manggagawa at mamamayan o sa pamamagitan ng insureksyon na siyang ating napagkaisahang str atehiya batay sa ating pag aral sa ating kar anasan at karanasan ng ibang bansang nagwagi sa kanilang pakikibaka at batay rin sa ating pag aaral sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. (May separadong papel tayo hinggil sa usaping ito ng stratehiya.) Ang susi dito ay ang tamang pagsuri, pagpasya at pamumuno ng Partido batay sa umiiral na obhektibong kalagayan at subhektibong kakayahan ng mulat at organisadong masa at Partido.

 

 

V. SOSYALISTANG TRANSISYON AT KONSTRUKSYON

Sa kondisyong nasa kamay na ng uring manggagawa ang kapangyarihan pampulitika, ito ay nasa pusisyon na para itaguyod ang programa ng sosyalistang transisyon at konstruksyon. Ang konstruksyong ito ay may rebolusyonaryong katangian dahil radikal nitong binabago ang kabuuang oryentasyon, kat angian at kaayusan ng buong lipunan sa iba’t ibang aspeto nito ekonomiya, pulitika, kultura maging ang panlipunang kamalayan.


A. Esensya ng siyentipikong Sosyalismo

Ang sosyalismo ay siyang buod ng ating programa pampartido. Ito ang ating plataporma de gobyerno pamalit sa mapagsamantala at mapang aping sistemang pinaghaharian ng kapital. Ito ang direksyon ng ating martsa . Ang pagkamit nito ang siyang dahilan ng ating pag oorganisa, pagp apalakas ng pwersa at ng partido ang dahilan ng kilusa n ng uring maggag awa. Ito ang bandila kung saan iikot ang ating propaganda, ahitatasyon, edukasyon at pag oorganisa; ang ba langkas at direksyon kung saan sisilbi ang ating mga taktika at, pundasyon kung saan ang atin kilusan ay dapat itayo at paunlarin.


Bilang mga kasapi ng Partido at mga sosyalista, da pat malinaw sa atin ang esensya ng teorya
ng sosyalismo:

(1) Ito ay sistemang panlipunan pamalit sa mapansaman talang sistema ng kapitalismo. Kung ang huli ay sistemang nagsisilbi sa uring kapitalist a at pinaghaharian nito, ang sosyalismo ay nagsisilbi sa uring manggagawa at buong lipunan at pinaghaharian naman nito. Ibig sabihin kung ang kapitalismo ay nakabatay sa diktadurya ng burgesya sa pamamagitan ng Estado, ang sosyal ismo naman ay nakabatay sa diktadurya ng uring manggagawa, ang Estado ay maging Estado ng manggagawa; hang gang sa sinasabing demokrasya ay demokrasya ng manggagawa.

(2)Kung ang kapitalismo ay nakabatay sa pribadong pagmamay ari at kontrol ng pangangailangan sa produksyon o kapital dahil sa konsentrasyon nito sa kanilang kamay sa pamamagitan pagsasamantala sa anyo ng sobrang halaga o tubo, ang sosyalismo ay nakabatay sa pag buwag ng pribadong pagmamay ari ng kapital at pagkawala ng makauring pagsasamantala. Ang pribadong k apital ay maging panlipunang kapital at ang produkto ng lakas pagga wa ay ibabalik sa mang ga gawa at sa p a ngangaila ngan ng buong lipunan;

(3) Ang prinsipyong gagabay kung gayon ay “mula sa isa ayon sa kanyang kakayahan at para sa isa ayon sa kanyang pinagtatrabahuan;”

(4) Palitan ng kolektibismo, kooperasyon at demokratikong pagplano ang walang konsyensyang kompetisyon, indibidwalismo anarkiya sa produksyon at sirkulasyon ng kapiyalistang lipunan;

(5) Sisiguraduhin ng Estado at ng lipunan ang batayang pangangailangan ng manggagawa at mamamayan tulad ng pagkain, serbisyong pa ngkalusugan edukasyon, trabaho, old age pension at iba pang mga panlipunang seguridad;

(6) Mangingibabaw ang produksyon para sa use values o para gamitin kaysa produksyon para sa exchange val u es o para sa tubo ( Ang lilitaw na estado at mga kaakibat na mga batas at instrumentalidad nito, kultura, at panlipunang kamalayan kung gayon ay kakatawan at sisilbi sa interes ng mayoriya at hindi sa dating iilang naghaharing uri.


B.Bata yan ng Sosyalistang Transisyon s a Pilipinas

1) Ang pagpapanday, pagtatayo o konstruksyon n g sosyalistang lipunan ay hindi simpleng usapin. Bagkus, ito’y napakasalimuot, napakakumplikado at napakahirap, at laging nasa panganib ng pagkakamali at pagkadiskarel batay sa karanasan ng ibang bansa. Sa ngayon walang tumatayong modelo dahil sa pagbagsak ng S talinistang proyekto. Ang karanasan ng Tsina, Vi e tnam, Cuba at t inataguriang new left sa Latin America ay binabantayan p a at nasa proseso ng pag aaral ng mga sosyalista. Ang tanging gabay lang ay ang teorya ng Marxismo Leninismo at ang aplikasyon nito sa kongkretong kalagayan at partikularidad ng bawat bansa at kalagayan ng mundo. Ang kongkretong kalagayang ito ay siyang magtat akda ng partikular na hugis at laman ng naturang proseso ng transisyon at konstruksyon. Ang kalagayang ito ay walang liban kun di ang moda ng produksyong
umi iral; lebel ng pag unlad ng produktibong pwersa sa isang bansa; mga umiiral na relasyon sa pro duksyon at ang pagtukoy ng mga partikular na mga tanikala o fetters na siyang humahadlang sa malayang pag unlad ng pwersa sa prod uksyon; at ang mga relasyon at balanse ng mga pwersang pumapabor o kumukontra sa sosyalismo sa naturang bansa man o sa buong mu ndo sa ka buuan. Maging ang kamalayan ay malaking salik rin.

 

 

2) Sa bahagi ng Pilipinas, ang Marxista Leninistang pagsusuri sa kongretong kalagayan, nagpipirmi sa pag tingin na ito’y isa ng ganap na kapitalistang bansa, bagamat kung ikukumpara sa mga abanse at industriyalisado tulad ng US, Europe, Japan, Korea at iba pa, ito’y di hamak na nahuhuli at atrasado bansot ang pag unlad. Anu paman, batay sa inabot ng produktib ong pag unlad, ito’ y ganap na int egrado na sa pandaigdigang sistema
ng kapitalismo kung saan umiiral ang relatibong laganap na industriyal na produksyon primarily ng mga consumer goods electronics, food and beverage, garments, home products at lahat na uri consumer goods karamihan nito ay para sa export. Maging ang agrikultura, malaki na rin ang proporsy on ng large scale o agri business production sa kabuuang agricultural output . Siyempre mas lalong malaki ang bahagi ng capitalist services trading, transport at komunikasyon at iba pa sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Kaya lang serbisyo man, manupaktura o agrikultura, capitalist oriented pa rin. At napakalayo naman sabihin na ito’y pyudal ayon sa pagtingin ng ibang kunyari makakaliwang ring Pa rtido sa Pilipinas.

 

 

3) Kahit ang maliitan g produksyon at serbisyo sa bansa mg a small shops sa kalunsuran at maliitang pagsasaka sa kanayunan lahat ay market at money oriented na rin na nagpapakita lang ng bigat ng kapitalistang hatak sa kabuuang ekonomiya.

 

 

4) Malinaw sa ating mga pagsusuri na ang prinsipal na salik sa bansot na pag unlad ng kapitalistang produksyon at reproduksyon sa Pilipinas ay ay partikular na kasaysayan nito na sa mahabang panahon ay naging kolon ya ng dayuhan Espanyol, Hapon, US na kahit na nag ing malaya na ito sa direktang k ontrol ng dayuhan lalo na ng imperyalistang US, matibay na naitatag ang imperyali stang kontrol sa ekonomiya at hin di pantay na relasyon sa pagitan ng dayuhang monopoly o kapital at lokal na ekonomiya. Napipig a ang rekurso ng bansa at napipi gilan ang paglago ng lokal na kapitalismo dahil sa dambuhalang kantidad ng rekursong ibinabayad sa utang; pinapalabas na tubo ng mga dayuhang korporasyon at; dahil sa malaking depisito sa foreign trade. Itong hin di pantay na relasyon ang pangunahing tanikala o fetters na humahadlang sa malayang pag unlad ng
produktibong pwersa sa bansa. Ito ang tanikala ng dapat lagutin sa pamamagitan ng kontra imperyalista at soyalistang rebolusyon.

 

 

5) Ang pangalawang salik sa bansot na pag un lad ng produktibong pwersa ay ang katangian ng pag unlad pang agraryo kung saan ito ay sa pamamagitang ng junker type o landlord type ng e bolusyo n at hindi sa pamamagitan ng agrarian revolution ng pesa nte. A ng prosesong ito ay naging mabagal at masyadong m apagsamantala sa magsasaka at siyang dahilan ng atrasadong pag unlad ng agrikultura. Sa kabila ng programa sa repormang agraryo, nanatili pa rin ang mga malalaking lupain pagmamay ari ng dating mga panginoong maylupa bagamat sa ngayon ito ay pinapatakbo na sa kapita listang pamamaraan. Dagdag pa rito ang papel ng mga merchant at iba’t ibang anyo ng usura sa kanayunan na siyang pinupuntahan ng malaki ng bahagi ng produkto ng lakas paggawa ng malilit na mga prodyuser sa kanayunan. Ito lahat ang siyang mga tanikalang dapat lagutin sa kanayunan tungo sa paglaya ng produktibong pwersa at magbukas ng pintuan para sa totoong pag unlad.

 

 

6) Ang ganitong katangian ng pag unlad moda ng produks yon sa bansa na bansot at di pantay ay nasasalamin rin sa katangian ng mga uri kung saan labis itong differentiated. Bagamat sa pangkabuuan, nahahati ito sa dalawang uri kapitalista at manggagawa, ang bawat uri ay nahahati pa sa maraming saray. Sa bahagi ng kapital ista, ang maliliit na bilang nito ay nahahati sa iba’t ibang linya ng industriya o pangangapital ang pinakamakapangyarihan nito ay ang kapitalista sa pin ansya. Makikita rin na ang bulto ng bilang ng kapitalista ay ang maliliit na kapitalista o pe tty burgesya. Sa bahagi ng manggagawa, relatibong manipis ang kabuuang bilang ng ind u s triyal ng mang gagawa kumpara sa manggagawa sa serbisyo. Ang pinakamarami ay ang hindi regular na manggagawa na binubuo ng unemployed at under employed , maliliit na magsa saka at landless seasonal workers sa kanayunan. L along pang lumulobo sa ngayon ang bilang ng walang trabaho at kulang sa trabaho o ang tinatawag na informal sektor dahil sa pa pa rami ng bilang ng nawawalan ng trabaho dahil pagkalugi ng mga negosyo dala ng kr isis ng kapitalismo at impact ng kapitalistang globalisasyon. Habang tinatamasa ng iilang kapitalistang elite ang yaman ng lipunang Pilipino, ang uring manggagawa lalo na ang nasa informal sector at landless seasonal workers sa kanayunan, maging ang maliliit na magsasaka ay nalilibing sa kumunoy ng kahirapan at sa ngayon lalong patndi ang kahirapang ito dahil sa patindi ring krisis ng sistemang kapitalismo.

 

 

7) Sa aspeto ng pulitika, tambalang pinaghaharian at kinokontrol ng day uhan at malalaking lokal na kapitalista ang buong lipunang Pilipino. Pormal na pinaiiral ang burges liberal na demokrasya sa balangkas ng elistang paghahari habang patuloy ang bulok na pampulitikang kultura ng patronage, dynasty, pangungurakot, b ilihan at dayaan sa panahon ng halalan.

 

 

8) Tanging ang kontra imperyalista at sosyalistang rebolusyon lang ang makakadala ng kalutasan at bagong umaga sa madilim na kalagayan ng uring manggagawa at lipunang Pilipino.


C.Programa ng Sosyalistang Transisyon at Konstruksyon sa Pilipinas

1. Sa kondisyon ng ganap na rebolusyonaryong pag agaw ng uring manggagawa at mamamayang Pilipino ng kapangyarihang pampulitika, agad agad nitong umpisahan ang tungkulin ng sosyalistang transis yon at konstruksyon sa bansa.

 

 

2. Ang katangian ng rebolusyon g ito ay kontra imperyalista at sosyalista.

 

 

3. Kagyat na itayo ang Rebolusyonaryong Gobyer no ng Manggagawa at Mamamayan at magpapairal ng bagong yugto sa buhay ng lipunang Pilipino, itayo ang proletaryong demokrasya, tapusin ang imperyalistang dominasyon na siyang pangunahing tanikala na humahadlang sa malayang pag unlad ng produktibong pwersa, mangunguna sa pakikibaka para sa pagwasak ng kapitalistang sistema tungo sa konstruksyon ng sosyalistang lipunan

a) Ang demokrasya ng manggagawa ay ibabatay sa sistema ng mga councils of workers and peoples deputies na direktang hin ahalal at subject sa recall anu mang oras. Ang iton g mga konseho ay siyang gagabay sa pang ekonomiya, panlipunan at pampulitikang buhay ng bansa sa lokal, probinsyal, at pambansang lebel, kabilang na ang foreign relations

b) Ang bagong demokrasya ng manggagawa na m angunguna sa pagwasak ng mga aparato ng kapitalistang estado, ay nababatay sa pag aarmas ng mamamayan, pagbuwag ng standing professional army at police, kasabay sa pagpalit sa mga ito ng workers at popular revolutionary defense militias at, sa pansamantala, sa pamamagitan ng organisadong huk bo ng mamamayan para sa pagdepensa laban sa dayuhang pananakop hanggang ang imperyalismo ay m agapi sa buong daigdig.
c) Ang unang hakbangin na isasagawa ng bagong gobyerno ay ang pagbaliwala o pag ab rogate ng lahat na pampulitika at pangmilitar na mga kasunduan na naguugnay sa atin sa imperyalismo.
d) Walain nito ang utang panlabas na siyang pinakamalaking nagpapahirap sa manggagawa at mamamayan at pangunahan ang proteksyon at paglaban ng manggagawa at mamamayan sa imperyalist ang globalisasyon.
e)I expropri a te nito ang lahat na propedad na pagmamay ari ng imperyalista.
f)I expropr i a te nito ang lahat na strategic industries tulad ng minahan, petrolyo, petrochemicals , at direktang pamamahalaan ang mga

g)Inasyunalisa nito ang banking, insurance at lahat na financial operations.
h)Inasyunalisa nito ang lahat na vital utilities , tulad ng power /kuryente , tubig, transportasy on at komunikasyon; nasyunalisa ang foreign trade at i adopt ang polisiya ng pakikip agnegosyo sa lahat na bansa lalo na mga sosyalista at progresibong nga estado.
i) I expropr i a te at inasyunalisa ang mga malalaking plantasyon at i kolektibisa ang mga ito o i convert sa modelong mga sakahan; i organisa pagsasaka at livestock husbandry; paularin ang intensive na produksyon ng karne, cereals at mgaderivatives nito; paularin ang appropriate technology at tigilan ang pagdepende sa dayuhan teknolohiyasa agrikultura ng nakakasira sa ekolohiya at produksyon; i
modernisa ang agrikultura.
j)Ipatupad ang progresibong pagbubuwis.
k ) Dahan dahang i expropr i a te ang medium scale industrial at rural na pagmamay ari ng propedad, at babayaran ito habang pa hi hintulutan ang may ari na maging pangulo ng impresa kung hindi rin naman sila kumalaban sa rebolusyon.
l) Respetuhin ang karapatan ng maliliit na pagmamay ari ng propedad, habang hinikayat silang magtayo ng mga koo peratiba, at kung saan suportahan sila ng mga kinakailangang ayuda.
m) Planuhin ang pang ekonomiyang aktibidad ng bansa sa sosyalistang batayan tungo sa pagpaunlad ng potensy al nito para sa interes ng manggagawa at mamamayan at rebolusyon. Paunlarin ang teknikal na imprastraktura ng bans a na ganap na ginagamit ang anu mang mga pag unlad ngayon sa teknolohiya lalo na ang information technology ; isagawa ang mga pangangailangang public works na kailangan sa pag unlad, lalo na sa mga atrasadong rehiyon.
n) Ganap na lutasin ang problema sa pabahay, at tapusin ang real estate speculation once an d for all.
o) I sosyalisa ang gamot at ang mga kaakibat na fields, inasyunalisa ang mga medical laboratories at itayo ang mga hospital sa mga interior. Gawing libre ang medical care lalo na sa mahihirap.
p) I reorganisa ang edukasyon sa lahat na lebel, iayon ito sa pangangailangan ng mamamayan at pambansang pag unlad, gawin itong compulsory hanggang sa se kondaryong lebel at buksan ang mga unibersidad sa la hat na mamamayan batay sa kanilang kakayahan at aptitude
q) Ipaseguro ang trabaho para sa lahat.
r) Ipaseguro ang old age pension at iba pang social security program

 

4.Hanggang ang Revolutionary Workers at Popular Government ay hindi pa naip ap analo at naita ta yo, ang Partido ay magpatuloy sa pagsulong ng puspusang pakikibaka para depensahan ang batayang karapatan ng manggagawa at mamamayan, mag ani ng maraming mga ganansya mula sa kapiyalistang estado sa pamamagitan ng direktang pakikibakang masa.

 

V.ANG ATING KONDUKTA BATAY SA UMIIRAL NA KALAGAYAN
Ang pagpapatupad ng maximum na programa para sa sosyalistang konstruksyon ay nakabatay sa ganap na panalo ng rebolusyonaryong sosyalistang rebolusyon at pagtatayo n g ganap na rebolusyonaryong gobyerno ng manggagawa at mamamayan. Sa kondisyong sisiklab ang pag
alsang hindi ganap na pinamumunuan ng RPM P ngunit may maka sosyalista, progresibo at patriotikong programa ito at may partisipasyon ang RPMP, ito ay buong lak as na susuporta sa naturang programa habang ipinapaglaban ang maximum na programang nakasaad sa itaas.

 

 

SOCIALISM IS THE FUTURE!