Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa - Pilipinas
On Bourgeois Elections

ON BOURGEOIS ELECTIONS

 
 
 

Isa sa pinaka matagal na debate ng mga rebolusyonaryo mula pa noong panahon ni Marx ay kung sasali ba ang uring Manggagawa sa eleksyon ng burgis. Hanggang sa ngayon, hati ang mga naghahangad ng rebolusyonaryong pagbabago sa attitude patungo sa eleksyon. Dapat ba sumali ang Partido ng uring Manggagawa dito? Mayroon bang ganansya ang uri dito? Ano ang dapat pagtingin ng Partido ukol dito? Makakatulong ba ito sa pagkamit ng rebolusyonaryong pagbabago ng lipunan? Paano ito makakatulong sa ating stratehiya? Ilan lang ito sa mga tanong na kailangang masagot ng sinumang rebolusyonaryong Partido na lalahok sa eleksyon.


Sabi ng ibang seksyon ng kaliwa, hindi dapat lumalahok ang Partido ng uring Manggagawa sa eleksyon. Absoluto ang pagtutol nila dahil oportunismo at repormismo daw ang pagsali dito. Nililinlang lang daw ng mga gustong lumahok sa eleksyon ang uring Manggagawa at dinidiffuse lang ang rebolusyonaryong enerhiya nito. Bakit nga naman tayo sasali sa isang bulaan na aktibidad kung saan mamimili lang ang uring Manggagawa ng kung sino ang mananamantala sa atin tuwing tatlong (3) taon? Pinapalakas ng aba ng pagsali sa eleksyon ang pag-asa ng uring Manggagawa sa makinarya ng Estado?


I. Estado at Gobyerno

Para kay Marx, ang Estado ay isang instrumento ng paghahari ng isang uri laban sa ibang uri. Ang mga burgis, o ang naghaharing uri, ang nagkokontrol sa estado at ginagamit ito para sa kanilang interes – ang pananamantala sa uring manggagawa para sa tubo o kita. Kumbaga, maaaring ihalintulad ang mga nasa ulo ng isang gobyerno (Presidente, etc) bilang Komite Sentral ng partido ng mga burgis. 


Sabi ni Marx sa Communist Manifesto:

“The executive of the modern state is nothing but a committee for managing the common affairs of the whole bourgeoisie.”

Sabi pa ni Marx sa Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte, walang choice ang mga burgis kundi bitawan ang direktang pag manage sa Estado at hayaan ito sa kung sino man ang magpapanatali ng kanilang interes. Ang liberal-demokratikong pamamalakad, na kanilang ginamit para bulagin ang uring manggagawa para sundan ang kanilang liderato para pabagsakin ang mga monarkiya noong 18th hanggang 19th century, ay saliwas sa kanilang interes. Noong nawala na ang kanilang lumang kalaban na mga aristokrasya at monarkiya, at umusbong na paunti unti ang kanilang natural na kalaban na uring manggagawa, kinailangan na din nila bitawan ang direktang pag manage ng Estado. 


Sabi ni Marx:
“Thus by now stigmatizing as “socialistic” what it had previously extolled as “liberal,” the bourgeoisie confesses that its own interests dictate that it should be delivered from the danger of its own rule; that to restore tranquillity in the country its bourgeois parliament must, first of all, be given its quietus; that to preserve its social power intact its political power must be broken; that the individual bourgeois can continue to exploit the other classes and to enjoy undisturbed property, family, religion, and order only on condition that their class be condemned along with the other classes to like political nullity; that in order to save its purse it must forfeit the crown, and the sword that is to safeguard it must at the same time be hung over its own head as a sword of Damocles.”


“While the parliamentary party of Order, by its clamor for tranquillity, as I have shown, committed itself to quiescence, while it declared the political rule of the bourgeoisie to be incompatible with the safety and existence of the bourgeoisie — by destroying with its own hands, in the struggle against the other classes of society, all the conditions for its own regime, the parliamentary regime — the extraparliamentary mass of the bourgeoisie, on the other hand, by its servility toward the President, by its vilification of parliament, by its brutal maltreatment of its own press, invited Bonaparte to suppress and annihilate its speaking and writing section, its politicians and its literati, its platform and its press, so it would then be able to pursue its private affairs with full confidence in the protection of a strong and unrestricted government. It declared unequivocally that it longed to get rid of its own political rule in order to get rid of the troubles and dangers of ruling.”


Kaya naman walang pakielam ang mga burgis kahit pa pasista o authoritarian ang pamamalakad sa gobyerno – basta hindi tatamaan ang kanilang interes na manamantala ng uring manggagawa at magkamal ng tubo. Ang Estado ang nagpprotekta at nagpapanatili ng kasalukuyang kaayusan ng lipunan – ang kapitalismo. Sabi pa ni Engels sa Socialism: Utopian and Scientific:
“And the modern State, again, is only the organization that bourgeois society takes on in order to support the external conditions of the capitalist mode of production against the encroachments as well of the workers as of individual capitalists. The modern state, no matter what its form, is essentially a capitalist machine — the state of the capitalists, the ideal personification of the total national capital.”


II. Eleksyon

Kung ganun ang ating paningin sa Estado, bakit tayo lalahok sa eleksyon na isang paligsahan ng mga nagnanais pamahalaan ang Estado ng mga burgis? Hindi ba ito saliwas sa ating mga tinatanganang prinsipyo? Kahit si Engels, noong panahon niya, ay pinag-isipan na din ang mga tanong na ito. 


Sabi nya sa kanyang Introduction sa libro ni Karl Marx na Class Struggles in France:
“If universal suffrage had offered no other advantage than that it allowed us to count our numbers every three years; that by the regularly established, unexpectedly rapid rise in our vote it increased in equal measure the workers’ certainty of victory and the dismay of their opponents, and so became our best means of propaganda; that it accurately informed us of our own strength and that of all opposing parties, and thereby provided us with a measure of proportion second to none for our actions, safeguarding us from untimely timidity as much as from untimely foolhardiness–if this had been the only advantage we gained from the suffrage, it would still have been much more than enough. But it did more than this by far. In election propaganda it provided us with a means, second to none, of getting in touch with the mass of the people where they still stand aloof from us; of forcing all parties to defend their views and actions against our attacks before all the people; and, further, it provided our representatives in the Reichstag with a platform from which they could speak to their opponents in parliament, and to the masses outside, with quite a different authority and freedom than in the press or at meetings. Of what avail was their Anti-Socialist Law to the government and the bourgeoisie when election campaigning and socialist speeches in the Reichstag continually broke through it?”


Walang masama sa pagsali sa eleksyon sapagkat dito natin maaaring masukat ang lakas ng uring manggagawa at lebel ng kamulatan nito. Isa rin itong mabisang paraan upang maabot ang uring manggagawa at makapag propaganda. Maaring magamit ang mga istruktura ng burgis na estado tulad ng eleksyon para sa rebolusyonaryong pagmulat ng uring manggagawa. Sabi pa ni Engels, katangahan daw na hindi gamitin ang pagkakataong ito para makapag propaganda.


Tama nga naman. Sa Pilipinas, malaking bahagi (80% kapag Presidential election, 60% kapag hindi) ng uring manggagawa ang lumalahok sa eleksyon. Hindi ba kahibangan ang hindi pagsali dito ng mga naghahangand ng rebolusyonaryong pagbabago? Kalakip na ng kulturang Pinoy, na pinamana ng mga Kastila at Amerikano, ang paglahok sa isang “demokratikong” eleksyon. Gaano man ito kadumi o lulan ng pandaraya, ibang usapin ito sa paglahok ng uri. At dahil lumalahok ang uri dito, kahit na ang dahilan nito ay patronage politics at pera-pera lang, isa pa din itong aktibidad kung saan maaaring pakilusin ang uri.


Sa eleksyon din nagkakaroon ng pag-asa ang uring manggagawa sa pagbabago. Oo, bulaan at ilusyon lamang ang pagbabago na ito. Pero hindi ba trabaho natin na isiwalat na hindi sa eleksyon nakukuha ang rebolusyonaryong pagbabago? Paano natin maipapa abot ang mensahe na ito kung hindi tayo lalahok dito upang isiwalat ang mga kabulukan ng moro-moro na ito?


Sabi pa ng iba, ang mga rebolusyonaryo daw ay sumasali lamang sa eleksyon kapag sigurado ang pagkapanalo. Dahil sa eleksyon daw maaring maipakita ang lakas ng organisasyon ng uring manggagawa. Kung matatalo lang din lang, ay huwag na sumali. Pero kahit si Marx ay hindi sang-ayon dito. Sabi nya sa kanyang Address to the Central Committee of the Communist League:
“Even when there is no prospect whatsoever of their being elected, the workers must put up their own candidates in order to preserve their independence, to count their forces, and to bring before the public their revolutionary attitude and party standpoint. In this connection they must not allow themselves to be seduced by such arguments of the democrats as, for example, that by so doing they are splitting the democratic party and making it possible for the reactionaries to win. The ultimate intention of all such phrases is to dupe the proletariat. The advance which the proletarian party is bound to make by such independent action is indefinitely more important than the disadvantage that might be incurred by the presence of a few reactionaries in the representative body.”


Kahit walang tyansa na manalo, kailangan pa din daw lumahok ng uring manggagawa sa eleksyon para iguhit ang ating pagkakaiba mula sa mga burgis na interes. Huwag daw tayong magpaloko sa mga nagsasabi na sa pagpapatakbo ng ating mga kandidato ay mahahati natin ang oposisyon ng mga demokratikong pwersa. Kung gayon, ang pakikipag alyansa sa mga seksyon ng burgis sa lipunan – na nagpapanggap na demokratiko – ay wala sa interes ng uring manggagawa.


Ang paglahok sa isang demokratikong aktibidad tulad ng eleksyon ay nagpapakita din daw ng lebel ng kamulatan ng uring manggagawa. Sabi ni Engels sa Origin of the Family, Private Property and the State:
“Universal suffrage is thus the gauge of the maturity of the working class. It cannot and never will be anything more in the modern state, but that is enough. On the day when the thermometer of universal suffrage shows boiling point among the workers, they as well as the capitalists will know where they stand.”


Kung ganon ay masasabi na ba natin na mataas ang lebel ng kamulatan ng mga Pilipinong uring manggagawa dahil 60-80% na ang lumalahok dito? Hinde. Dahil ang paglahok ng uring manggagawa sa Pilipinas ay dahil lamang sa pang-ekonomiyang pangangailangan. Ang kamulatan ng uring manggagawa ay masusukat lamang kung lalahok tayo sa eleksyon at boboto ng naaayon sa prinsipyo at pulitika – mulat sa mga epekto ng kaniyang boto, at sa mas malawak na gawain ng pagoorganisa ng sariling uri.


III. Stratehiya sa Rebolusyonaryong Pagbabago ng Lipunan

Kung tayong mga nagnanais ng rebolusyonaryong pagbabago na lipunan ay sasali sa eleksyon, ano ang pagtingin natin dito? Makakamit ba ang pagbabagong gusto natin – ang pagwasak sa kapitalismo at pag usbong ng sosyalismo – sa pamamagitan ng pagpanalo sa eleksyon? Kahit na may gamit sa uring manggagawa ang eleksyon, hindi pa din ito ang tunay na magdadala ng tagumpay ng uri. Ito ang natutunan ni Marx sa Paris Commune, kung saan pinalitan pa nya ang ilang bahagi ng kanyang Manifesto pagkatapos ng massacre ng mga manggagawang nagtayo ng Paris Commune. 


Dahil sa kaganapang ito, inilagay ni Marx sa Communist Manifesto na:
“the working class cannot simply lay hold of the ready-made state machinery, and wield it for its own purposes.” Sa huling yugto, hindi magagamit ng uring manggagawa ang makinarya o burukrasya mismo ng Estado ng mga burgis upang makamit ang rebolusyonaryong pagbabago. Kahit na miyembro pa ng Partido ang maging Presidente ay kakainin lamang tayo ng makinarya ng Estado ng burgis at hindi pa din malalansag ang kapitalismo. Sapagka’t ang diwa ng Estado ng burgis ay ang pagpapanatili ng kapitalismo, hindi ito tatakbo ng hindi kapitalismo ang umiiral sa lipunan. Paano papaswelduhin ang libo-libong public officials na parang linta na sumisipsip sa buwis na ibinabayad ng uring manggagawa? Paano papanatilihin ang kapulisan na ang tanging rason kung bakit nariyan ay pulisin ang uring manggagawa na tumataliwas sa programa ng mga pananamantala ng mga burgis? At higit sa lahat, hahayaan ba ng mga burgis na ilagay sa balota ang pagkumpiska sa kanilang ari-arian? Wala dapat tayong ilusyon na magagawa lahat ito sa pamamag-itan ng pagboto.


Ang eleksyon ay isa lamang sa mga stratehiya upang magpalakas ng hanay ang uring manggagawa. Kailangan nating gamitin ang anumang mekanismo na nariyan upang kahit papaano, maibsan ang pagsasamantala sa uri. Repormismo lamang itong maituturing kung ang Partido ay hindi nakatanaw sa rebolusyonaryong pagbabago ng lipunan – kung ang Partido ay maging komportable sa pamamahala at pagpapatupad ng kasalukuyang kaayusan ng lipunan. 


Sabi pa ni Engels sa Origin of the Family:
“The highest form of the state, the democratic republic, which in our modern social conditions becomes more and more an unavoidable necessity and is the form of state in which alone the last decisive battle between the proletariat and bourgeoisie can be fought out.”
Ang “decisive battle” ng pagbaliktad ng tatsulok ay hindi makakamit sa tahimik na pagboto, kundi sa maingay at sabay-sabay na sigaw ng uring manggagawa na naghahangad ng rebolusyonaryong pagbabago. Hindi ito mangyayari sa mga presinto, sa COMELEC, o sa Malakanyang, kundi nasa lansangan, sa mga pabrika, sa mga komunidad kung saan ang organisado at mulat na hanay ng uring manggagawa ang mananawagan at kikilos ng pagbagsak ng lumang kaayusan.


Kaya naman sa pagpasok sa eleksyon, kailangan malinaw sa bawat kasapi ng Partido na ang lahat ng ito ay panandalian lamang. Laging tanawin ang layunin ng Partido na pagwawakas ng pagsasamantala ng tao sa kapwa tao – at makakamit lamang ito sa pagbubuo ng sosyalismo.


Para sa Komite Sentral ng RPM-P
Alex