History
History

History

 
 


Written by:
Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa–Pilipinas;
Published: 2001
Source: Text retrieved from RPM-P Angelfire Blog;
Markup: Simoun Magsalin;
Copyright: No specific copyrights. Provided freely by the Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa–Pilipinas.

 

TABLE OF CONTENTS

Introduksyon
Ang Partido sa Ilalim ng Pamumuno ni Crisanto Evagelista
Ang Muling Pagkakatatag ng CPP-MLMTT sa Pamumuno ni Jose Maria Sison
Unang Yugto (1968–1972)
Ang yugto mula 1972–1979
Ang yugto mula 1980–1986
Ikaapat na Yugto (1986–1992)
Ikalimang Yugto (1992–hanggang sa kasalukuyan)
Mga Karanasan sa Gawaing Internasyuna
Karanasan sa Anti-Impiltrasyon na Kampanya

Introduksyon

Ang pagbabalik aral sa kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas ni Crisanto Evangelista at ng Stalinista-Maoistang Partido ni Jose Maria Sison ay isa sa mga mahahalagang sangkap para sa muling pagtatayo ng Partido — ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa.


Ang buod ng layunin ng pag-aaral sa kasaysayan ay upang maunawaan at makunan ng aral ang ginawang paglilinaw sa direksyon ng rebolusyon at kung paano ang naging aktuwal na pamumuno ng Partido sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.


Popokusan sa pagbaybay ng kasaysayan ang muling itinatag na Stalinista-Maoistang Partido na itinayo noong Disyembre 26, 1968 dahil dito naggaling ang mga bumubuo ng RPM, RPA-ABB. Higit sa lahat, naglulunsad tayo ngayon ng reoryentasyon at pagtatakwil ng Stalinismo at Maoismo at sinisikap na I-aplika sa buhay na paraan ang ML sa Konkretong kalagayan at antas ng tunggalian ng mga uri sa bansang Pilipinas.


Hindi rin maitatatwa ang kahalagahan sa pagbabalik-aral sa kasaysayan ng mga nakaraang Partido sa kalagayang hati ang naging oposisyon sa RA sa iba’t ibang pakson na may mga sariling oryentasyon at perspektiba. Nais ng RPM na maging wasto ang salalayan at proseso ng kanyang ginagawang reoryentasyon. Kaya nag-uumpisa ito sa pagbabalik-aral sa kasaysayan at pagharap sa iba pang mahahalagang tungkulin kaugnay ng pagbubuo ng Partido.


Ang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka sa ating bansa ay aabot na ng mahigit kalahating siglo. Para eksakto, 67 na taon na ito. May mga tagumpay sa iba’t ibang larangan ang nakamit ng uring manggagawa at buong mamamayan sa tinakbo ng pakikibaka. Ngunit kapwa nabigo ang Partido nina Lava at Sison sa pagbibigay ng wastong perspektiba at direksyon para sa matagumpay na pagsulong ng rebolusyon. Bagamat hindi pa nagtatagumpay ang proletaryong rebolusyon, ang mga aral mula sa positibo at negatibong karanasan at ang lalim at tindi ng krisis ng kapitalismo ay magsisilbing batayan para sa pursigidong pagrerebolusyon. Ang mahalaga ay muling mabuo ang Partido sa wastong Marxista-Leninistang batayan. Sa ganitong salalayan magagampanan ng RPM ang kanyang tungkulin bilang direktor at organisador ng proletaryong rebolusyon sa Pilipinas.


A. Ang Partido sa Ilalim ng Pamumuno ni Crisanto Evagelista

Nabuo ang PKP noong Nobyembre 7, 1930, sa gitna at unahan ngmalalaking labor federations n naglulunsadngmgapang-ekonomiyaatmpulitikangpakikibaka; itinakwil ang repormismo at ang bansa ay naghahabolngkalayaan(independence) mula sa US sa pamamagitan ng grant.


Si Crisanto Evangelista natumatayong pinakamuahusay na lider-manggagawa ay isang prominenteng kasapi ng Congreso Obrerode Filipinas. Presidente din siyang Unionde Impresores de Filipinas kung saan aktibo ng opisyal din si MarianoBalgos. Gayundin, siya ay kasapi ng Nacionalista Party at isa siya sa mga naging miembro ng misyon na ipinadala sa US noong 1919. Habang nasa US nila pitan nito ang ilang mga l abor groups para tumulong sa cause ng Philippine independence. Si Evangelista ay lubhang aktibo sa pulitika kaya noong 1924 ay napili siyang maging kalihim ng CO.

Noong 1925, kinontak siya ni Tan Malaka na emisaryo ng Red International of Labor Unions (bahagi ng Communist International). Si Tan Malaka ay kasapi ng Indonesian Communist Party. Inimbita ni Malaka sina Evangelista na dumalo ng trade union conference sa Canton, China. Sa kumperensyang ito, nagkaroon ng resolusyon na buuin ang isang Labor Party sa Pilipinas na iaafiliate sa Red International of Labor Unions. Kaya binuo nina Evangelista ang Labor Party noong 1928. Sa taong ding ito sina Evangelista, Jacinto Manahan at Cirilo Bognot ay dumalo ng isang trade union conference sa Berlin at Moscow. Nang bumalik sila dala na nila ang balitang affiliated na ang Labor Party sa Red International of Labor Unions.


Noong maaga pang bahagi ng 1927 ang mga kasapi ng Partido Obrero na nakapaloob sa Congreso Obrero de Filipinas ay nagpapalaganap at nagtutulak ng progresibong tindig kaugnay ng ilang isyu. Kabilang dito ang mga sumusunod: dapat industrial unions ang buuin at ipalit sa mga umiiral na craft unions at mutual benefit societies; dapat ang paniniwala sa class struggle ay itaguyod imbes na ang “labor-capital harmony”; dapat magforge ng mas malapit na ugnayan sa mga Tsinong manggagawa at labanan ang Filipino chauvinism; dapat bakahin ang ekonomismo na ikinakalat ng US at ang moralismo ng ilustrado at lumapit sa Red International of Labor Unions, angProfintern. Dagdag dito, dapat iendorso ng mga workers’ at peasants’ asosasyon ang pampulitikang programa ng Partido Obrero at itakwil ang anumang akomodasyon sa imperyalimong US at sa paghaharing burgesya at panginoong maylupa.


Noong Mayo 1929, sa kumbensyon ng COF, iprinisinta ng Partido Obrero ang mga naturang mga tesis. Ngunit hindi ito tinaggap ng iba. Kaya nahati ang COF sa radikal at kanserbatibong faction o wing.


Ang Left wing o radikal na grupo ay pinamunuan ni Evangelista samantalang ang conservative wing ay pinamunuan nina Cristobal, Paguia at Tejada. Nagwalk-out dito sina Evangelista at nagdaos ng pangalaweang kumbensyon kung saan pinagkaisahan nila ang mga sumusunod: itinaguyod ang industrial unionism; inorganisa ang Katipunan ng mga Anakpawis; at pagbubuo ng isang working class political party sa siyang magdidirihe at mamumuno sa uring manggagawa sa kanilang independiyenteng pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka.


Sa unang kumbensyon ng KAP (Katipunan ng mga Anakpawis), isang komite ang binuo upang magdraft ng plano para sa pagbubuo ng isang worker’s party. Ang mga kasapi ng organizational komite na ito ay sina Evangelista, Antonio de Ora, Arturo Soriano, Jacinto Manahan at Jose Quirante. Ang magiging base ng bagong partido ay ang Partido Obrero ni Evangelista.


Noong Agosto 26, 1930 ay inaprobahan ang bagong Konstitusyon ng Partido para itaon sa anibersaryo ng Cry of Balintawak; habang ang by-laws nito ay inaprobahan noong October 6, 1930. Pormal na inilunsad ang Partido noong Nobyembre 30, 1930 para ikomemorate ang Nobyembre 7, 1917 Russian revolution. Kabilang sa mga lider ng Partido sina, Evangelista, Jacinto Manahan, Juan Feleo, Guillermo Capadocia, Lazaro dela Cruz at Felix del Rosario. Partido Komunista ng Pilipinas ang pangalan at Marxismo-Leninismo ang teoretikal na gabay nito. Importanteng banggitin na ang malaking mayorya sa 35 na kasapi ng Sentral Komite ay galing sa uring manggagawa. Lahat sila ay galing sa mga trade unions na affiliated sa Katipunan ng mga Anakpawis. Kaya mabilis ang pagyakap nito sa ideolohiya ng Marxismo-Leninismo at may matibay na proletaryong paninindigan.


Ang mga naitakda nitong mga layunin (goals) ay pagkaisahin ang uring manggagawa para patalsikin ang imperyalistang Kano; pag-establisa ng gobyernong Pilipino na naka-patern sa Soviet system; ang pagpapa-unlad sa living at working conditions ng uring manggagawa; at pakikipag-isa sa lahat ng rebolusyonaryong kilusan sa buong mundo.


Labis na makabuluhan ang pagkakabuo ng partido. Umpisa iyon ng pag-aarmas ng uring manggagawa ng ML at siyentipikong sosyalismo sa kanilang pakikibaka at umpisa ng pakakaroon ng organayser at lider ang pakikibaka ng uring manggagawa.


Sa pag-uumpisa, ang Partido ay legal at militante nitong ibinubunsod ang mga pakikibaka ng uring manggagawa. Kagyat na naging threat sa imperyalista at lokal na naghaharing uri ang Partido kaya biktima kaagad ito ng represyon at persekusyon. Sa katunayan, sa taong 1930–32, 1938–41 at 1945–46 kung saan bukas at hayag ang pakikibaka ng partido ang mga lider nito ay laging kumikilos sa panganib ng pagkahuli at asasinasyon.

Matapos hayagang mai-anunsyo ang pagkakabuo ng PKP sa publiko noong Nobyembre 7, 1930, naglunsad ito ng sunod-sunod na mga rali at miting. Nanawagan ito sa publiko na: “Magkaisa at sundin ang ehemplo ni Andres Bonifacio bilang siyang tanging paraan para makamtan ang kalayaan.” Ang mga rali nito ay dinaluhan ng libu-libong manggagawa’t magsasaka.


Bunga ng mga militanteng pagkilos, nagulantang ang kolonyal na pamahalaan at kagyat na sinupil ang mga pagkilos ng PKP. Noong Pebrero 4, 1931, inaresto si Crisanto Evangelista batay sa charges ng sedisyon bunga sa pagbabasa ng Konstitusyon ng PKP sa publiko. Hindi dito huminto ang panunupil. Nang ilunsad ang unang kongreso ng Partido noong Mayo 30, 1931, ni-reyd ito ng mga ahente ng koloyal na US at inaresto ang 400 na delegado nito.


Noong 1932, na-convict sila ng Supreme Court at idineklarang ilegal ang PKP. Malaki ang naging negatibong epekto ng mga hulihang ito at ang padedeklarang ilegal ang PKP. Matapos itong ideklarang ilegal ay nag-underground ang Partido. Mula 1931 at 1938, naranasan ng Partido ang ilang kahirapang idinulot ng pagiging ilegal nito. Na-pwersa itong mag-UG nang hindi pa naayos nang husto ang estratehiya at taktika nito at hindi pa nakokonsolida nang husto ang kanyang organisasyon at pamunuan. Nagdulot ito ng ilang demoralisasyon sa mga kasapi at ilang pang-masang organisasyong pinamumunuan nito.


Mula 1930 hanggang 1933, dahil sa impluwensya ng Comintern, itinuring na lumabis ang militansya ng bagong Partido. Kahit kabubuo pa lang at nagpapalakas, nanawagan na ito ng armed uprising bilang tanging paraan para makamit ang kalayaan noong 1933. At kahit walang konkretong hakbang na ginawa para sa paglulunsad ng sandatahang pakikibaka, nagbigay daan ito sa malupit na reaksyon ng kolonyal at lokal na opisyal sa mga rali at mga welga na inilunsad ng Partido na nag-resulta sa mga aresto at pagka-ilegal ng Partido.


Noong 1935–41, ito ang ikalawang yugto ng PKP, nagsagawa dito ng reoryentasyon. Sinuspinde muna ang political confrontation sa mga kaaway sa uri bagkus itinaguyod ang “united front from above” na patakaran para suportahan ang “peace and democracy against fascism and war.” Ang Partido ay sumama sa Popular Front noong 1936, ngunit tiniyak muna niyang ilantad ang diktaduryal at ang fascist at militarist tendencies ng Commonwealth administration niQuezon. Dagdag dito,tiniyakdinngPartidonamagkaroonngpangkalahatangpagkakasundosa ilang mayor na isyu tulad ng mga sumusunod: kagyat na kalayaan, protective trade measures, inductrialization,civil liberties at kondemnasyon ng “militaristic” na national defense program.


Gayunpaman, dapat banggitin na may pagkakamaling malaki ang Popular Front policy nito ni Stalin o ng Comintern. Ang patakaran ng People’s Front ay nagmula mismo sa pagkaila sa batas ng makauring pakikibaka.


Noong 1938, matapos mabigyan ng pamahalaang Quezon ng pardon sina Evangelista, sinikap ng PKP na magkaroon ng merger sa SPP ni Pedro Abad Santos. Sa kabila ng ilang differences, nagkasundo di silang mag-merge. Naganap ang merger na ito sa Ikatatlong Kongreso ng PKP nuong Oktubre 29–31, 1938. Ang naging pangalan ay PKP pa rin. Si Evangelista ang naging chairman habang si Pedro Abad Santos ang naging vice-chairman.

Malaking bagay ang merger na ito. Nagbigay daan ito para sa mas mabilias na pag-oorganisa at mabilis na pagsulongngpakikibakangmanggagawa, magsasaka at alyansa sa hanay ng mga intelektuwal at propesyunal. Mula 1938–41, naging maluwag ang kalagayan bunga ng pagsunod sa patakaran ng People’s Front para sa mabilisang pag-oorganisa ng masang organisasyon tulad ng Collective Labor Movement, nagkoroon ng pang-masang katangian ang mga organisasyon ng mga pesante, dumami ang pumasok na intelektuwal sa Partido, bumuwelo ng mga mayor sa ilang mga munisipalidad ng Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac noong loka na eleksyon noong 1940.


Noong Marso 29, 1942, panahon ng pananakop ng Hapon binuo ng PKP ang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Sa yugto ding itonahuli at pinaslang ang mga prinsipal na lider ng Partido. Dito nakapasok si Vicente Lava sa pamunuan ng Partido. Ang hukbong ito ay nagamit ngPartidosapag-oorganisaatpagpapakilos ng mga magsasaka sa Central Luzon.Gayundin,nakapaglunsaditongmgaaksyong militar laban sa mga Hapon sa kabilangpatakaran ni Vicente Lava na “retreat for defense.” Ang patakarang ito ay idineklarang mali noong Setyembre 1944 at na-demote ngunit nanatili sa PB si Vicente Lava.


Mula 1945 hanggang 1948, mas naging balansyado na angpaglulunsad ng hayag at legal na pakikibaka at armadong pakikibaka. Lumawak din ang baseng masa ng Partido sa kanayunan at kalunsuran. Ngunit pagkatapos ng digmaan at sa pagbabalik ng US forces, pinaatras at binanatan ang rebolusyonaryong pwersa. Tinanggal sila sa elective position, inaresto at dinisarmahan.


Nagkulang ang Partido na ikonsolida ang base. Sa kongkreto, nagkulang ang Partido sa gawaing edukasyon sa masa kaugnay ng tunay na katangian ng imperyalismong US at sa neo-colonial na balangkas ng estado.


Para maipamalas sa mamamayan ang tunay na sitwasyon, makonsolida at makapagpalawak ng masang suporta, ang Partido ay nagkonsentra sa legal at parlementaryong pakikibaka at nag-project ng pambansang demokratikong programa at demanda, complete economic independence, pagtanggal sa US bases, repormang agraryo, rekognisyon ng mga trade unions at prosecution ng mga collaborators.


Para mai-partikularisa ang mga panawagan ng Partido at maisulong ang mga objectives, binuo ng Partido ang PKM, ang bagong pederasyong Congress of Labor Organizations at para sa 1946 pre-independence elksyon binuo nito ang isang united front political party, ang Democratic Alliance na nagbalik ng anim na kongresista sa kongreso.


Ang tagumpay na ito ay binigwasan ng bagong pamahalaan ni Manuel Roxas na suportado ng imperyalistang Amerikano. Tinanggal ang anim na kongresista batay sa trumped charges ng fraud at coercion. Nangyari din ang mga asasinasyon. Kaya nabulabog ang Partido sa “mailed first” policy ni Roxas. Sa ilalim ng ganitong kalagayan muling binuo at kinonsolida at nagpalawak ang Partido at hukbo. Naghanda ito sa muling paglulunsad ng armadong pakikibaka at nagpalawak sa Southern Tagalog at Panay.


Noong 1948, naluklok sa pamunuan si Jose Lava na nais gawing pangunahing anyo ng pakikibaka ang armadong pakikibaka habang patuloy na inaasikaso ang hayag at legal na pakikibaka.


Noong Enero 1950, idineklara ng Partido na may rebolusyonaryong sitwasyon at nanawagan ito ng isang armadong rebolusyonaryong pagpapabagsak sa “imperialist puppet regime” na pinamumunuan ni Elpidio Quirino. Para sa partido, ekselente ang kondisyon bunga ng agrarian unrest sa Central Luzon; bunga ng korapsyon sa gobyerno at pandaraya sa eleksyon; may pinansyal krisis at naging salik din ang panalo ng Tsina sa kanilang rebolusyon.


Ang tinukoy o na-define na pakikibaka sa yugtong ito ay “need of completing the bourgeois democratic revolution” na napigilan sa panahon ng American occupation.


Labis ang tiwala nila sa isang quick military victory kaya sa paghihiwalay ng mga kadre naging islogan ang “see you in Malacañang.” Ngunit dahil sa labis na pagmamadali ang islogang iyon ay naging “see you in Muntinlupa.” Sa maikling salita, nabigo ang Partido bunga ng labis na pagmamadali at kawalan ng malalimang pag-aaral sa buong domestic, internasyunal sitwasyon at konkretong balanse ng pwersa. Sa yugtong ito, mayroon lamang silang 3,000 HPRs, 300,000 mass base at kumikilos sa iilang rehiyon.


Ang bigwas ng reksyonaryong pamahalaan sa Partido ay inayudahan nang husto ng CIA at US embassy officials na siyang nag-project kay Magsaysay na naging Presidente at responsible sa mga land reform measures na nagpahina sa baseng masa ng PKP.


Noong Oktubre 1950, nahuli ang Politburo na pinamumunuan ni Jose Lava. Gayundin, nawasak ang malaking bahagi ng kanilang hukbo. Ang hulihan sa liderato at pagkabigo ng armadong pakikibaka sa kabuuan ay nagdulot ng pangkalahatang demoralisasyon sa pwersa at paghina ng baseng masa.

Kaya noong 1955, muling bumaling sa legal at parlamentaryong pakikibaka ang Partido at binuwag ang natitirang ilang Huk units. Ang itinira ay ilang yunit partisano. Sa yugtong ito lumitaw ang gangsterismo nina Sumulong. Si Jesus Lava ay pumalit kay Jose sa pamunuan.


Sa panahon ng late 1950s at maagang bahagi ng 1960s, masasabing nawasak na ang Partido. Gayunpaman, may ilang gawain pa rin ito. Naging mabagal ang pagsulong ng gawain at malaki ang pagpapahalaga sa pagsuporta sa Citizens Party at elektoral na pakikibaka noong 1957 at 1961. Sa kabuuab pumalya ang Partido sa elektoral na pakikibaka.


Ang kolektibong buhay ng Partido sa yugtong ito ay nabuwag at nagkanya-kanyang kilos ang ilang nalalabing susing kadre ng Partido. Noong 1964, tuluyang nahuli ang Sec. Gen. ng Partido na si Jesus Lava (mas eksakto ang sumuko).


Samantalang nagpupursige ang PKP sa muling pag-revive ng hayag at legal na pakikibaka, sa yugtong ito (mid sixties), ang PKP ay kinakailangan nang mag-ayos nang lubusan hinihingi na ang komprehensibong paglalagom ng karanasan, ang pag-aayos ng programa at pagbubuo ng bagong liderato sa pamamagitan ng isang pambansang Kongreso.


Ngunit bago naganap ito, nagyari ang isplit. Humiwalay ang grupo ni Jose Maria Sison at nagbuo ng panibagong Partido noong Disyembre 26, 1968 batay sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong.


Sa pangkalahatan, ang lumang Partido laluna sa panahon ng pamumuno ni Evangelista ay sa batayan tapat sa saligang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo. Sinikap nilang ilapat ito sa kongkretong kalagayan ng ating bansa. Ang naging pagsusuri nila sa lipunan ay malakolonyal ngunit sa saligan ay kapitalismo ang moda ng produksyon. Ang naging direksyon ng kanilang pakikibaka ay ang pagkukumpleto sa bourgeois democratic revolution.

Yinangkilik din nila ang alyansa ng manggagawa at magsasaka. Sentral na tungkulin din nila ang maagaw ang poder pampulitika. Nais din nilang mapalaya ang bansa sa dominasyon at kontrol ng imperyalistang Amerikano. Sa kanilang karanasan naging isang mainit na usapin ang pagbabago-bago ng anyo ng pakikibaka at anyo ng organisasyon habang hindi pa hinog ang kalagayan para sa armadong pag-aalsa o insureksyon para maagaw ang poder pulitika mula sa naghaharing uri.


Sa kabila ng mnga positibong pagsisikap, nabigo ang lumang Partido, laluna sa pamumuno ng mga Lava sa pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusan. Batay na rin sa pananaw ng nalalabing liderato ng PKP, ang kabiguan o pagkatalo ng pakikibaka nito ay bunga na rin ng malalang pagkakamali nito. Nagkamali sila sa pagsusuring may rebolusyonaryong sitwasyon na tumungo sa adbenturismo; na-underestimate din nila ang imperyalismong Kano at ang kahandaan at kapabilidad nitong mag-intervene; malaking pagkakamali din ang hindi nila pagkakabuo ng isang broad na pambansang demokratikong nagkakaisang prente; nalusaw ang mga legal na organisasyon bunga ng pag-abandona ng legal na pakikibaka at pagkonsentra lamang sa armadong pakikibaka.


Dagdag dito, nalimita sila sa iilang rehiyon; may papel din ang impluwensya ng Comintern sa ilang pagkakamali ng liderato; labis ding nagpahina sa kanila ang matinding anti-komunista at kontra-rebolusyonaryong mga maniobra ng imperyalismong Kano (sa pamamagitan ng mga ahensya nito tulad ng CIA) at lokal na naghaharing uri sa ilalim ng cold war era. Siyempre, nais din nating banggitin na may papel din ang kakulangan ng karanasan sa pamumuno.


B. Ang Muling Pagkakatatag ng CPP-MLMTT sa Pamumuno ni Jose Maria Sison

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay muling itinatag ni Jose Maria Sison matapos tumiwalag mula sa sinapupunan ng lumang PKP. Tumiwalag ang grupo ni JMS mula sa lumang Partido nang hindi sila magkasundo ni Lava sa nilalaman at pangangailangan ng rektipikason at paglalagom sa karanasan na sumentro sa mga pagkakamali ng liderato ng mga Lava; hindi rin sila nagkasundo sa teoretikal na batayan/gabay sa pagrerebolusyon. Nilabanan ng mga Lava ang Maoismo at modernong rebisyonismo na panatikong iginiit ni JMS.


Sa pagbabalik-aral sa kasaysayan ng Maoista-Stalinistang Partido ni JMS, susubukan nating mailahad ang naging teoretikal at praktikal na batayan sa pagtukoy nito ng direksyon ng rebolusyon; ang laman, class character, target o kalikasan ng rebolusyon; at ang mga porma ng pakikibaka na na-define.

Ang unang Kongreso ng muling pagkakatatag ng PKP ay sa katunayan hindi naganap noong Disyembre 26, 1968. Naganap ito noong January 9, 1969 sa isang bayan ng Pangasinan. Guyunpaman, ang opisyal na ipinahayag ay naganap ito noong Disyembre 26, 1968 upang itaon sa ika-75 kaarawan ni Mao Tsetung, ang tinaguriang dakilang lider ng rebolusyong Tsino.


Ang mga dumalo sa Kongreso ng muling pagkakatatag ay 12. Ito ay binubuo nina Jose Maria Sison, Monico Atienza, Rey Casipe, Leoncio Co, Manuel Collantes, Arthur Garcia, Herminihildo Garcia, Ruben Guevara, Art Pangilinan, Nilo Tayag, Fernando Tayag at Ibarra Tubianosa. Si Jose Luneta na siya sanang pang-labintatlo ay nasa Tsina ngunit ini-elect sa CC in absentia.


Tinanglawan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mai Tsetung ang muling itinatag na Partido. Ang Kaisipang Mao Tsetung ay itinuring na acme ng Marxismo-Leninismo. Gayundin, Tinukoy din ang Stalinismo bilang bahagi ng teoretikal na gabay.


Sa proseso ng pagbubuo ng Partido nito tinukoy at nilatag nito ang pagpuna at pagtakwil sa maling linya nina Lava at Taruc; pinag-aralan ang kasaysayan at kalagayan ng lipunang Pilipino, kung saan ipinirme na malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipinas at itinakda ang pambansang demokratikong rebolusyon, ang linyang makauri, mga tungkulin at paraan ng pagkilos.


Kaakibat nito inilabas ang mga sumusunod na mga dokumento upang tanglawan ang pagbubuo ng partido at pagsulong ngpambansangdemokratikong rebolusyon: Rectify Errors and Rebuild the Party, bagong Konstitusyon ng Partido; Program for a Peoples democratic Revolution at ang Philippine Society and Revolution.


Sa konkreto, tinukoy dito ang mga estratehikong panawagan/islogan tulad ng mga sumusunod: Isulong ang DRB, Ibagsak ang imperyalismong US, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo, at ang pagsusulong ng Digmang Bayan para makamit ang naturang layunin at maistablisa ang pambansang demokratikong lipunan na malaya sa kontrol ng imperyalismo, ang panginoong maylupa at pasismo.


Ang motibong pwersa ng rebolusyon ay ang uring manggagawa, magsasaka, peti-burgesya at pambansang burgesya. Namumunong uri ang manggagawa sa pamamagitan ng Partido at pangunahing pwersa ang mga magsasaka.


Sa kanayunan ang pangunahing arena ng labanan dahil nandito ang pangunmahing pwersa, ang magsasaka at ang suliranin sa lupa na siyang nilulutas ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Ilulunsad dito ang sandatahang pakikibaka na may tatlong component, ang pagbubuo ng baseng masa, paglulunsad ng agraryong rebolusyon at pagbubuo ng hukbo. Ang hukbo ang eksresyon ng saligang alyansa ng manggagawa at magsasaka.

Sa lahat ng anyo ng pakikibaka, kagyat na tinukoy ang sandatahang pakikibaka bilang prinsipal na anyo ng pakikibaka at ang iba pang anyo ay maglilingkod dito. Gayundin ang gawain ng nagkakaisang prente na siyang kalasag ay maglingkod din sa sandatahang pakikibaka. Sa ibang pakahulugan ang Partido sa paglulunsad ng demokratikong rebolusyon ay may tatlong magic weapons: Ang pagbubuo ng Partido, paglulunsad ng sandatahang pakikibaka at pagbubuo ng nagkakaisang prente. Kopya mula sa karanasan ng rebolusyong Tsino ni Mao.


Ilang buwan matapos ang Kongreso, itinatag ang NPA o BHB noong Marso 29, 1969 sa ikalawang distrito ng Tarlac. Dumalo dito si JMS at siyam na kumander na tumiwalag sa gangster clique ni Sumulong at Taruc. Ang lahat ng mga dumalo rito ay ginawang kasapi ng Komite Sentral. Ang BHB na naitayo sa yugtong ito ay binubuo ng 60 mandirigma na may 9 na automatic rifles at 26 na single shot rifles. May baseng masa ito na 80,000 sa kanayunan habang may mga nakatayong mainly students at workers organization sa kalunsuran.


Kagyat na sinimulan ang sandatahang pakikibaka matapos maitayo ang BHB. Humaling na humaling sa gyera, adelantadong inumpisahan ito; hanggang ngayon hindi malaman ni JMS kung papaano ito ipagtagumpay at o tatapusin. Salat ang batayan para sa paglulunsad ng digmang bayan noong inumpisahan ito. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na mali ang magtaguyod ng AS, ngunit dapat tingnan ito bilang ekstensyon, mas mataas na antas ng pampulitikang pakikibaka at dapat nakalatag ang mga kalagayan para umpisahan at patindihin ito.


Upang higit na maintindihan ang naging takbo ng rebolusyonaryong pakikibaka, baybayin natin ang yugto-yugtong pag-unlad nito nang may paglalahad at pagsusuri sa mga pinakamamahalang pangyayari at patakaran sa bawat yugto.


Unang Yugto (1968–1972): yugtong pagkakatatag, pagpapalaganap ng mga dokumento ng kongreso, pag-aaral sa Mao Tsetung thought; paguumpisa ng digmang bayan hanggang deklarasyon ng batas militar;


Ikalawang Yugto (1972–1979): pagkakatatag ng pasistang diktadura, at matinding atake sa kabubuong partido; pagpapalawak ng PPW sa buong bansa; pag-umpisa ng malalaki at madalas na taktikal na opensiba mula 1977; taktikal na opensiba;


Ikatlong Yugto (1980–1986): paglala ng hidwaan sa hanay ng naghaharing uri na tumungo sa asasinasyon ni Ninoy; pagbulwak, pagdaluyong ng atipasistang pakikibaka; mabilis na political isolation ng pasistang diktadura na humantong sa pag-aalsang EDSA at tuluyang pagbagsak ng pasistang diktadura;


Ikaapat na Yugto (1986–1992): pagbalik ng burgis demokratikong paghahari sa pamamagitan ni Aquino, tapos Ramos; mga hakbang para sa muling pagkonsolida ng nahaharing sistema; tuloy-tuloy na paghina ng rebolusyonaryong kilusan; paglabas ng Reaffirm at umpisa ng panloob na debate;
Ikalimang Yugto (1992-hanggang sa kasalukuyan): pagbwelo ng panloob na debate hanggang nagkahatian, summit ng oposisyon at ang pagkabuo ng RPM noong 1995.


1. Unang Yugto (1968–1972)

Sa unang yugto, ang kagyat na inasikaso ng kabubuong Partido ay ang pagpapalaganap ng mga dokumento ng Kongreso, pag-uumpisa ng sandatahang pakikibaka at pagpapalaganap ng mga batayang islogan, kaalinsabay ng tuloy-tuloy na gawain sa kalunsuran, laluna sa hanay ng mga estudyante at manggagawa.


Dapat unawain na nag-uumpisa ang muling tatag na Partido sa kalagayang matagal na humupa ang rebolusyonaryong pakikibaka. Gayunpaman bunga ng ilang paborableng salik, napabwelo ang kilusang estudyante na humantong sa pagsiklab ng FQS at madaling nabuhay ang damdamin ng malawak na mamamayan para sa rebolusyon. Positibong mga salik sa pagputok ng FQS at pag-uumpisa ng sandatahang pakikibaka, ang GPCR ng Tsina, pagsulong ng mga kilusang mapagpalaya sa ibang mga bansa, paglaban sa agresyon ng US sa Vietnam at pagnanais ng pagbabago ng mamamayan. Malinaw ding naiguhit na muling naitatag na Partido ang rebolusyon laban sa repormismo.


Sa yugtong ito (at kahit sa susunod pang mga yugto), malinaw na ang mga tungkulin at taktika ng Partido ay naglilingkod at umiikot pangunahin sa sentral na tungkulin na agawin ang poder pampulitika sa pamamagitan ng digmang bayan. Kitang-kita ito sa kagyat na pag-uumpisa ng mga taktikal na opensiba sa Tarlac, ang paglulunsad ng isang ispesyal na proyekto na may layong patindihin ang hidwaan ng mga reksyonaryong uri at pasiklabin ang pasismo, at ang makapagtayo ng Yenan type base sa Northern Luzon atsumulong ng paalon-alon. Inspirado din ito ng konseptong “a single spark can start a prairie fire.”


Samantala, sa kalunsuran ang diin ay maisama ang mga aktibista na produkto ng kilusang estudyante sa kanayunan; naglunsad ng sunod-sunid na mga military training at hindi nabigyang pansin ang pagharap nang husto sa Concon at pagsusteni ng FQS.


Mula rito, taktikang militar o gera ang nangungunang nilalaman ng pamumuno ng Partido. Ang Leninistang paraan ng pampulitikang pamumuno ay malabo na sa maagang yugto pa lang ng rebolusyonaryong pakikibaka. Sa katunayan, makikita sa gawaing edukasyong ang katotohanang ito. Mga akda ni Mao, laluna ang selected military writings ang konsentrasyon ng pag-aaral sa yugtong ito; matindi din ang pag-aaral sa mga kahinaan ng mga Lava at Taruc na may espesyal na atensyon sa military weaknesses nito. Salat na salat sa pag-aaral ng mga klasik ni Marx, Engels at Lenin. Magiging tuloy-tuloy ang kahinaang ito hanggang 1990’s.


Ang salalayan ng pagtingkad ng PPW sa buong taktika ng pakikibaka ay mauugat sa pagsusuring malakolonyal at malapyudal ang katangian ng bansang Pilipinas. Ang ganitong pag-iisip ay ibinunga ng pagkopya sa rebolusyong Tsino. PPW sa Tsina dahil ito’y malakolonyal at mala pyudal.

Liban sa lumalakas na anti-imperyalistang sentimiyento, naging sapat na dahilan ang isang ispesyal na proyekto at ang MV Karagatan para ipataw ng reaksyonaryong estado ang pasistang paghahari — ang pasistang diktadura ng US-Marcos.


Kagyat na inilunsad ang malawakang pasistang dahas laban sa rebolusyonaryong kilusan, burges na oposisyon at sa mamamayan sa kabuuan. Daan-daang lider aktibista at progresibong intelektuwal ang ipiniit. Kasabay nito ay naghasik ng pasistang lagim sa kanayunan kung saan malakas tayo (Isabela at Tarlac).


2. Ang yugto mula 1972–1979

Sa yugtong ito, dumanas sa maagang bahagi ng matinding pag-atras ang rebolusyonaryong kilusan. Gayunpaman, mabilis na naka-adjust ang nabigla at nadisorganisang pwersa nang ipataw ang pasistang paghahari. Ang karamihan ng mga nalabi ay nagtungong kanayunan at nag-umpisa sa pagbubukas ng mga larangang pandigma. Ngunit marami-rami rin ang nalagas, nangawala at nagpahinga bunga ng labis na pagkatakot at matinding pagpuna sa mga taktika ng Partido.


Dahan-dahang bumawi ang rebolusyonaryong kilusan sa yugtong ito. Mula 1972 hanggang 1975, tunay na nalagay sa napakahirap na sitwasyon ang rebolusyonaryong pwersa. Binakbakan nang husto ang mga naunang larangang gerilya, tulad ng Isabela at Tarlac. Habang nahirapan ang mga nag-uumpisa. Naging signipikanteng salik sa ating pagsulong, ang pag-aalsang Moro sa pa sa pamumuno ng MNLF pagkapataw ng batas militar dahil dito itinambak ang malaking bahagi ng pwersang militar. Taong 1976 na nakaplastada ang marami. Sa pagbawi at pagsulong, naging malaking salik ang poot ng mamamayan sa pasistang estado at nakatulong din ang panawagan na “Ibagsak ang Diktadurang US-Marcos,” ang “Specific Characteristics of Our People’s War” at ang OUT.


Sa kabuuan, ang mga nilalaman ng mga nasabing dokumento ay pawang mga saligan at pangkalahatang islogan. Mga “estratehikong” islogan sa pakahulugang layon ay total victory ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Gayunpaman, may positibong silbi ito sa umpisa ngunit kapos sa isang pangmatagalang labanan.


Ang paguugnay-ugnay ng anti-pasista, anti-pyudal at anti-imperyalistang kilusan ay naglalayong komprehensibo at buo ang projection ng national democratic line. Hindi ito mga taktikal na islogan na pumapatungkol sa isang taktikal na yugto at layunin.


Gayunpaman, sumulong ang kilusang masa sa kabuuan bunga pangunahin ng mahusay na nagamit ang anti-pasistang pakikibaka-paglaban sa mga abusong militar, Pagmonopolisa ng isang seksyon ng naghaharing uri ng poder, paglalantad sa korupsyon at matinding krisis.

Dapat din nating banggitin na habang may mga tagumpay na tayo sa unang yugto pa lamang sa gawain sa church sector, higit na tumingkad ang positibong papel ng mga progresibo, demokratiko at maka-mamamayang seksyon sa loob ng simbahan. Liban sa pagpasok sa Partido, pagpasok sa kanayunan, pagbibigay ng pinansyal na tulong, gamot at seguridad sa mga nasa UG, ay malaki ang naitulong ng mga nasa simbahan sa pagsulong ng antipasistang pakikibaka sa kalunsuran.


Samantala sa kanayunan, nasamantala din dito ang military abuses at government neglect. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng ilang agrarian reforms, social services, rudimentary health care, justice, law enforcement at iba pang lokal na serbisyo sa masa ay napalawak ang pangmasang suporta dito. Ang pampulitikang lakas na nbuo sa pamamagitan ng mga naturang isyu ang nagbigay ng pundasyon para sa pagsusulong ng gerilyang pakikidigma.


Taong 1975, muling napasigla ang kilusang manggagawa sa pamamagitan ng ehemplo ng La Tondeña. Ang pagputok nito ay natulungan ng church sector.


Mula 1975 hanggang 1980–1983 ay tuloy-tuloy nang bumwelo ang kilusang masa sa buong bansa. Tampok dito ang pagkakabuo ng antipasistang nagkakaisang hanay at pagsiklab sa ispontanyong paraan ang kilusang masa noong 1978.


Ang halalan para sa IBP noong 1978 ang nagbigay daan para mabuo ang anti-pasistang nagkakaisang prente (LABAN). Kasamaangrebolusyonaryong pwersa ng kilusang lihim sa MR sa prenteng ito. Kita sa “noise barrage” noong April 6, 1978 ang bisa ng anti-pasistang kampanya nang daluhan ito ng libo-libong mamamayan. Ngunit bunga ng patakarang boykot ng KS, nagkaroon ng kalituhan at problema sa pagsususteni ng kilusang ito. Ang KR-MR ay pinuna ng oportunismo nang ito’y lumahok sa eleksyon at ito’y tuluyang binuwag. Sa debateng ito, kitang-kita ang kamalian ng KS na pagbanggain ang taktika sa “estratehiya” ng eleksyon at rebolusyon.


Samantala sa kanayunan, patuloy na lumalakas ang mga taktikal na opensiba, laluna sa Samar. Dahan-dahang lumaki ang pormasyong gerilya mula sa iskwad tungong platun at kumpanya.


Kaalinsabay ng pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan, naganap din ang mga hulihan sa sentral na liderato. Mula 1974–1975 hanggang 1977 naganap ang hulihan. Ngunit, dapat banggitin na maagang bahagi pa lang ng 1970 ay marami na ang nawala mula sa KS ng iba’t-ibang dahilan.

Sa kabuuan, masasabing nailatag ang mga rekisitos para sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa buong bansa sa pagtatapos ng 1979.


3. Ang yugto mula 1980–1986

Sa yugtong ito, lalung dumalas ang mga opensibang militar sa buong bansa; bumilis din ang political isolation ng pasistang diktadura sa yugtong ito at lalung lumala ang hidwaan sa hanay ng naghaharing uri na humantong sa asasinasyon ni Ninoy noong 1983; bumulwak at dumaluyong ang anti-pasistang pakikibaka pagkatapos ng asasinasyon noong 1983. Sa yugtong ito (1983) naganap ang malalaking rali sa halos lahat ng mayor na urban centers. Sa katunayan umabot ang mga raling ito sa Welgang Bayan na may kalakip na mga partisanong aksyon. Ang rehiyon ng Mindanao ang nanguna sa mga matitinding gerilyang aksyon sa kanayunan habang bumubuwelo din ang kanilang mga pol-mil na aksyon sa kalunsuran. Naganap din ang mga ganitong matitindi at malalaking WEBA at opensibang gerilya sa iba pang rehiyon, tulad ng Negros. Ang krisis na ibinunga ng asasinasyon ni Ninoy ay humantong sa pag-aalsang EDSA at tuluyang pagbagsak ng pasistang diktadura.


Bunga ng mga hulihan, tunay na lumiit ang bilang ng sentral na pamunuan ng Partido. Kaya mula 1979–1980 naganap ang kooptasyon. Pinalaki ang KS by appointment. Kaya noong 1981, idinaos ang 8th plenum na bago na ang komposisyon ng KS. Wala nang orihinal na kasapi ng Kongreso ang nakadalo dito. Isang kumander na lang na kasama sa pagtatayo ng BHB ang naging kasapi ng KS nina JMS ang nakadalo dito.

Sa 8th plenum nangyari ang debate hinggil sa estratehiya at taktika. Marami na rito ang may katanungan sa PPW sa Chinese type. Ang debateng ito ang nagbukas para pag-isipan ang ibang paraan ng pagsusulong ng rebolusyon. Ngunit hindi ito na-consummate. Dahil noong 9th plenum ng taong 1985 bumalik sa PPW ang KS.


Ang debate sa loob ng KS kaugnay ng estratehiya at taktika ay ibinunga ng mga obserbasyon ng marami na hindi uubra ang Chinese type na PPW. At marami ang kumbinsido na mali na itali ang taktika ng pakikibaka sa lakas ng ating hukbo. Nadadama na ng ilang mga KS members ang panganib ng military gradualism kung laging babatay sa lakas ng hukbo at antas ng gera ang pagtatakda ng taktika. Ngunit natalo ang mga ideyang ito.

Sa 8th at 9th plenum ng KS noong 1981 at 1985, ang binalangkas pa ring programa ng pagkilos ay nakabatay sa PPW. Ang masahol pa itinali sa subyugto ang pag-unlad ng PPW. Sinundan nito ang pagsusubyugto ni JMS. Mula 1968–1980, tinagurian itong early substage ng strategic defensive stage. Mula 1983-up ay pumasok sa advance substage. Ang pangunahing sukatan dito ay ang laki at lakas ng hukbo at baseng masa sa kanayunan.

Ang lahat ng mga tungkulin ay naglingkod at umikot sa military tasks na ito. Sumunod at tapat lang ito sa lohika na sandatahang pakikibaka ang prinsipal na anyo ng pakikibaka at ang lahat ay dapat maglingkod dito. Kaya napakaimposibleng isipin ang isang tunay na pampulitikang pamumuno na mas nagbibigay pansin sa takbo ng tunggalian ng uri at pampulitikang pakikibaka ng masa sa bawat pagkakataon o major turn ng events kaugnay ng domestic at international political events.


Ang pagwawagi ng DRB, ang pagbagsak ng tatlong ismo, ang pagkamit ng pambansang demokrasya, ang total military victory ang laging sukatan ng mga patakaran at programa. Ibig sabihin, ang paglutasngprinsipalakontradiksyon ang laging nilalayon ng Partido sa bawat pagkilosnito.Ang lumihis dito ay repormista, opurtunista at nagdadala ng maling linya.


Kaya nang bumulwak, nang dumaluyong ang anti-pasistang poot ng sambayanan matapos ang asasinasyon ni Benigno Aquino, Jr. hindi magkandatuto ang KS kung papaano imaksimisa ang pangyayaring ito.


Itinali sa pagbabagsak sa buong naghaharing sistema, sa buong naghaharing uri ang mga panawagan nito. Ang ibagsak ang US-Marcos na Diktadura at itayo ang DCG ay sa katunayan pagpapanalo ng DRB.


Ang mga alyadong burgis na oposisyon ay inoobligang pumaloob sa estratehikong layunin ng Partido. Sa katunayan ang amorphous na kategoryang “LD” o liberal democrats na dapat kabigin ng NDS mula sa pamumuno ng BR’s ay batay sa estratehikong linya ng Partido ay isang ekspresyon nito. Kaya sa kabila ng pagkakabuo ng maraming organisasyon, tulad ng JAJA, then finally BAYAN, ay hindi nahigop ang pinakamalawak na oposisyon laban sa pasistang rehimen. Ang masahol pa, dahan-dahang naagaw ng burgis na oposisyon ang pamumuno sa malawak na anti-pasistang kilusan.

Ang pagkakamali sa taktika ay pinatungan pa ng isang malubhang pagkakamali ng binoykot ng KT-KS ang snap presidential eleksyon noong 1986. Sa katunayan, hindi nabasa nang mahusay ng KS sa kanyang 9th plenum ang mabilis na nagbabagong sitwasyon noon. Hastening the downfall of the US-Marcos dictatorship pa rin ang panawagan noon ng KS.


Ang patakarang boykot ay isang pagkakamaling ibinunga ng labis na pagpapatampok sa general line at pagdidiin ng Chairman na may revolutionary situation. Mali ang basa sa taktikal na sitwasyon.


Kaya habang ibinababa pa lang ang desisyon ng KS at KT-KS, biglang naganap ang pag-aalsang EDSA at bumagsak ang pasistang diktadura nang walang malinaw na partisipasyon ang buong rebolusyonaryong pwersang pinamumunuan ng Partido. Nawala tayo sa eksena

Naisantabi tayo sa kabila ng katotohanang tayo ang pinakamasugid, pinakadeterminado at pinakamalaking rebolusyonaryong pwersa mula noong 1980 hanggang 1986. Bago tuloy-tuloy na humina, naabot natin sa dekada 80’s ang 35,000 party membership, 10 million mass base, 2 batalyon, 33 companies at 10,000 HPRS at libo-libong milisya.


4. Ikaapat na Yugto (1986–1992)

Ang sumunod na yugto, 1986 hanggang 1992, ay yugto ng tuloy-tuloy na paghina ng buong rebolusyonaryong kilusan. Labis na nalito ang pamunuan sa yugtong ito. Kapos at mali-mali na ang tantiya sa sitwasyon at dapat na taktika. Nagnanais humalagpos ngunit natali pa rin sa mga dating linya at patakaran at mga tungkulin ang Partido; yugto din ito na naisaayos at nakonsolida ng naghaharing uri ang sarili at muling ibinalik ang burges demokrasya na paghahari.


Bilang pagpapakita, naging kapos at mali-mali na ang mga sumunod na mga taktika nang yugtong ito. Mga halimbawa nito ang pagpasok sa peace talks at ceasefire nang walang malinaw na objectives at political gains, ang sunod-sunod na pagtatangkang makapagpasok ng mga armas mula sa ibang bansa na pumalpak, ang pagtakda ng SCO at ang pananaw na nasa strategic defensive na ang pakikibaka, ang onward to total victory noong 1988, ang LMLO noong 1990, ang pagsusuring nasa terminal na krisis ang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema at nagtakda ng panibagong timeframe ng victory (10 years).


Sa yugtong ito binabagabag na rin ang Partido ng panloob na tinggalian o debate kaugnay ng taktika. Ngunit hindi ito naresolba o nalutas. Naging urgent na rin ang komprehensibong paglalagom at pagdadaos ng Kongreso ngunit hindi ito natuloy.


Maraming namumunong kadre ang nagtutulak na repasuhin na ang programa, pangkalahatang linya, taktika at islogan, review sa mode of produksyon. Ngunit ang lahat ng mga ito ay hindi nabigyang pansin. Kaya nang naganap ang mga maraming events tulad ng Concon ni Aquino, ang total war, gradual constriction, ang sunod-sunod na kudeta noong 1987–1989 at ang sumunod na presidensyal na elekson, ay hindi mahusay na nakaangkop ang Partido.


Sa gitna ng ganitong sitwasyon, biglang inilabas ni JMS ang kanyang “Reaffirm …” noong Disyembre 1991. Sa dokumentong ito simple ang paliwanag ni JMS sa lahat ng suliranin at mga pangyayari sa kilusan at Partido. Ang lahat ay mauugat sa hindi pagsunod ng Partido at mga kasama sa mga saligang prinsipyo ng Partido sa saligang linya ng DRB, sa saligang linya ng PPW, sa saligang linya ng PPDR at pambansang demokrasya.

Simple ang solusyon sa napaka-komplikadong sitwasyon: ang bumalik sa sa mga saligang dokumento ng kongreso ng muling pagkakatatag ng Partido at muling bubuwelo ang kilusan.


Ang makaisang panig, apriori at pagkahon sa isang balangkas, sa isang blueprint, sa isang fixed direction ang mga karanasan ay ekspresyon ng isang malalang sakit malalang sakit ng Maoismo at Stalinismo na dala-dala ni JMS at ng lhat ng mga katoto nito.


Dapat suriin ang mga suliranin at karanasan ayon sa konkretong takbo ng tunggalian sa uri, sa aktuwal na dinamismo ng pampulitikang pakikibaka sa aktuwal na galaw at pag-uugnayan ng mga pwersa at mga pangyayari at sa antas ng pampulitikang pakikibaka. Siyempre kabilang sa kokonsidera ang konkretong lakas ng rebolusyonaryong pwersa, sentimiyento ng mamamayan at ng kaguluhan sa loob ng naghaharing uri. Hindi sapat at lalung hindi pwede ang ihulma ang pagsusuri sa isang fixed at inaamag na balangkas. Higit sa lahat, dapat nasuri ang mode of production at narepaso ang programa ng Partido.


Nang ipinilit ng 10th plenum ang “Reaffirm …” pinagliyab nito ang dati nang umuusok na tunggalian sa loob ng Partido. Sa maikling salita, pinutakte ng mga tanong at kontra-opinyon ang “Reaffirm …” at mga desisyon ng 10th plenum. Ngunit ang pang ideolohiyang debate na ito na nag-umpisa sa mga katanungan sa pang-organisasyong mga prinsipyo, estratehiya at taktika na humantong hanggang sa pagkritik sa programa, PPW at sa PSR ay sinagot ng Stalinistang measures. Tinanggal sa organisasyon at inakusahan na mga ahente ang mga lider ng oposisyon sa kabila ng paghingi nito ng ispesyal na plenum at o kongreso ng pagkakaisa upang resolbahin sa wasto at marangal na proseso ang debate at tunggalian sa loob ng Partido.


5. Ikalimang Yugto (1992–hanggang sa kasalukuyan)

Kaya sa taong 1992–1993, naganap ang malawakang debate at naisplit ang Partido. Mahigit 10,000 at maraming rehiyon ang tumiwalag sa Maoista-Stalinistang Partido ni JMS nang hindi na niya pinakinggan ang pagdadaos ng unity congress.


Sa kabuuan, seryoso at malala ang mga pagkakamali ng Partido sa pamumuno ni Sison. Itinaguyod nito ang Stalinismo at Maoismo, at hindi Marxismo-Leninismo. Dogmatikong inilapat sa bulgarisadong paraan ang karanasan ng rebolusyong Tsino. Hindi naging malinaw at wasto ang pagsusuri sa mode of production kaya itinakda ang katangian ng rebolusyon ng pambansang demokratiko imbes na sosyalismo. Itinakda ang isang war strategy kung saan absoluto at permanente ang pagtukoy sa AS bilang pangunahing anyo ng pakikibaka kaya hindi wastong nakokombina at nagagamit ang mga forms of struggle batay sa mga pagbabago ng kalagayan at sa pangangailangan. Di nito masinsinang pinag-aralan ang pagbabago ng sitwasyon at ang reyalidad kung uniiral ba ang isang rebolusyonaryong sitwasyon o krisis. May kalituhang ginamit ang chronic crisis ng isang kapitalistang bansa sa ilalim ng dikta ng dayuhang monopolyo kapital na batayan sa pagtakda ng mga rebolusyonaryong panawagan at porma ng pakikibaka. Nagawa nito ang pagkakamaling ultra left voluntarism sa larangan ng pulitika.


Hindi rin kataka-taka na supilin nito ang oposisyon sa loob ng Partido, ang hindi pagdadaos ng Kongreso at pagpapairal ng isang burukratiko at absolutistang pamumuno sa pagtaguyod nito ng Stalinismo.


Mula 1993–1995, inasikaso ng mga lider ng oposisyon ang pagkakaisa at ang muling pagtatayo ng Partido. Ngunit hindi napagkaisa ang oposisyon bunga nga pagkakaiba ng pananaw sa proseso ng muling pagbubuo ng Partido, pagkakaiba ng ideolohiya at di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lider. Liban dito marami talaga ang anti-Partidong sumakay lang sa debate.


Gayunpaman, naidaos ang ideological summit na dinaluhan ng MR, CMR, Negros, Panay at Samar noong October 1995. Matapos ang pag-aaral at pagkakaroon ng panimulang pang-ideolohiyang pagkakaisa sa mga saligang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo, nabuo ang isang pambansang probisyunal na pamunuuan, ang PLB.


Habang gagampan ng pampulitikang pamumuno, ang paghahanda para sa Kongreso ang pangunahing inatupag nito. Ngunit dahil sa samut-saring dahilan hindi ito natuloy hanggang sa mangyaring muli ang isplit sa loob ng organisasyon ng RPM. Una dito ang isplit ng MR; sumunod ang split sa Negros; at ang di tuluyang paglahok ng faction nina D sa kongreso na labis na kaduda-duda.


Pagkakaiba pa rin ng pag-unawa at pananaw sa ilang saligang usapin, tulad ng demokratikong sentralismo, papel ng Partido sa kilusang masa, direksyon ng pagkilos, katangian ng pakikibaka, proseso ng pagbubuo ng Partido at qualities ng isang lider ng Partido ang dahilan o ugat ng mga isplit na ito.


Tampok dito ang unproletarian praktis ni Popoy. Labis niyang iwinasiwas ang kanyang peti-burgis na individualismo at anarkismo na sumira sa demcen at committee system ng Partido. Ang pinaka mabigat na akusasyon sa kanya ay ang pagmaniobra niyang makaluklok sa legal, pinabayaan ang gawain sa Partido at ang tuluyang pag-alis at pag-isplit ng RPM. Dapat ding banggitin na sa summit pa lang, nais na ni Popoy na lusawin ang mga gerilyang pormasyon. Hindi ito kataka-taka batay sa linya ng pagsulong na dala-dala ni Popoy — ang pag-asikaso lang ng industriyal/regular na manggagawa. Kung aasikasuhin man ang ibang sektor ito’y para magamit lang sa iba niyang adyenda na makasarili.


Sa kongkreto, samantalang may pagsisikap si popoy sa reoryentasyon, bulgarisado din ang ilang ibinebenta nitong konsepto. Sa kanyang counter thesis habang may ilang positibo, sa praktikal na usapin, sa minimum ay kinakapon nito ang pampulitikang pamumuno ng Partido at sa maksimum ay buwagin ang lihim na Partido; sa pagpokus sa industrial na manggagawa ay naiiwan ang iba pang seksyon ng mga pinagsasamantalahan at inaaping uri; sa pagpokus sa legal na gawain, inaabandona ang sandatahang pakikibaka, gawain sa hukbo at gawain sa rural areas.


Ngunit sa kabila ng mga panggugulo ng mga Party wreckers, buo ang pasya ng RPM na ituloy ang pagbubuo at pagtatatag ng Partido batay sa buhay na pagsasapraktika sa unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo at mga bagong aral ng pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa.

Kalakip ng pangkalahatang tala sa kasaysayan at karanasan ng Partido sa ilalim ni Sison ay ilang apendises bilang ispesyal na seksyon, tulad ng gawaing internasyunal.


K. Mga Karanasan sa Gawaing Internasyunal

Kaakibat ng muling pagbubuo ng Partido ay nilinaw din nina Sison ang linya’t patakaran sa gawaing internasyunal. Sa pangkalahatan, ang proletaryong internasyunalismo, anti-imperyalista at kontra modernong rebisyunismo, ang gabay sa gawaing internasyunal o sa pagbubuo ng relasyon sa tatlong antas: partido sa partido, government to government, at people to people.


Gayunpaman, ang gawaing internasyunal mula sa Kongreso ng muling pagtatatag hanggang sa 9th plenum ay lubhang natali sa pakikipagrelasyon sa Tsina at sa partido dito. Solido at lubhang malapit ang relasyon ng Partido ni Sison sa Partido Komunista ng Tsina, laluna noong buhay pa si Mao Zedong. Makikita ito sa pagtulong ng Tsina sa pagpapadala ng armas at pinansya at pagkakaroon ng opisina ang Partido dito na pinamumunuan ng mga nangungunang kadre ng Partido bilang opisyal na delegasyon ng Partido.


Ang pagkalulong sa ugnayang Tsina at Partido dito ay natural na bunga ng pananaw sa Kaisipang Mao Zedong bilang acme ng Marxismo-Leninismo at pagkonsidera na ang Tsina ang sentro ng pandaigdigang rebolusyon. Sa katunayan sinunod ng Partido ni Sison ang linya ng PKT sa halos lahat ng usapin.

Tulad ng PKT, itinuring nating makabagong rebisyunista ang Partido ng Rusya at ang pagtatak sa kanilang sosyal-imperyalista. Noon lamang 9th plenum, nagbukas ang Partido na muling pag-aralan ang usaping ito. Ngunit hindi na natapos ang pag-aaral hanggang tuluyang bumagsak ang Partido sa Rusya at maging sa mga bansang eastern Europe.


Ang ugnayan sa Tsina ay dahan-dahang dumausdos o umatras pagkatapos I-lift ng Tsina ang bamboo curtain at ng Nixon visit noong 1972. Sa yugtong ito, sinarhan ang opisina, inihinto ang Philippine broadcast sa Radio Beijing hanggang sa magbigay na lang ang Tsina ng humanitarian aid sa mamamayang Pilipino thru sa Partido. Ang nangyari sa mga kadre ay boluntaryong pumunta ng Lebanon at Holland; habang ang iba ay nanatili sa Beijing thru legal assimilation; then ang iba ay dahan-dahang umuwi sa bansa.


Noong 1973, dahan-dahang umuunlad ang nagkakaisang hanay na gawain at naitayo ang NDF. Nag-umpisa ang internasyunal na gawain ng NDF na nakapokus sa people to people relation.


Noong 1975, ang ating Partido ay sumuporta sa Khmer Rouge, nilabanan ang Vietnamese interbensyon sa Cambodia sa katindihan ngPolpot-led genocide. Habang ganito tumahimik naman ang Partido sa usapin ng genocide na ginagawa ni Polpot.

Noong 8th plenum, napagpasyahan na ibuwelo ang gawaing internasyunal; tumukoy ng iba’t-ibang rehiyon sa mundo nakokonsentrahan. Nagkaroon ng mga tagumpay dito, ngunit limitado lang ito sa mga minor na non-ruling paties at mga organisasyon, ilang liberation movements at people to peop

Noong 9th plenum bunga ng mga pangangailangan ng pakikibaka, ay pinagpasyahang bigyan ng karampatang tutok ang gawaing internasyunal. Sa yugtong ito, nagbukas ang partido na ituring ang Rusya bilang sosyalista at ang Partido nito bilang isang ML ngunit kailangang ipirme matapos ang malalimang pagbabalik-aral at pagsusuri. Ngunit tulad ng nabanggit na hindi ito natapos hanggang bumagsak na lang ang Partido sa Rusya at maging sa Eastern Europe. Kaya sa usaping ito ay nagkaroon ng magkaibang pananaw sa ranggo ng Politburo. Upang higit na mailarawan ang gawaing internasyunal, babaybayin natin dito ang mga developments mula 1981. Noong 1981, sa kabila ng komprehensibong programa sa gawaing internasyunal at pagdiin na magpalawak ng relasyon, hindi ito lubusang napang hawakan ng yunit ng Partido at ng NDF. Natali ang NDF sa overseas Filipino work at international solidarity; ang ilang mga naipadalang mga kadre sa labas ay natali sa pagaaplika ng refugee status; ang naging konsentrasyon lang ay Western Europe, laluna sa Holland. Lahat ng mga kadre dito ay nag-apply ng refugee status para mamentina ang kanilang legal na status. Samantalang ang iba ay nag-asawa ng mga solidarity allies.


Noong 1981–1982 ay naistablisa ang quasi-government to quasi-government relation sa pagitan ng NDF at PLO. Mahusay ang relasyon na naistablisa na tumungo sa pagbibigay ng PLO ng iba’t-ibang anyo ng tulong mula sa armas at pagbibigay ng training sa ating pwersa. Sa yugto ding ito, naibwelo natin ang international solidarity work laban sa militarisasyon at pasismo sa bansa; nakaya nating mapadagsa ang foreign aid thru sa mga NGOs kung saan isinesentralisa ng Partido ang pondo hanggang sa puntong hindi nagkaroon ng project reality ang mga NGOs.


Noong 1984, nagpalabas tayo ng NPA representative na naka-attach sa NDF international office. Ngunit dahil hindi naging malinaw ang trabaho, naging limitado ang naging gawain nito sa gawaing propaganda at pagpapaunlad ng ugnayan sa PASOK (Greek Socialist Party

Noong 1986, kaugnay ng kapasyahan ng 9th plenum, at euphoria sa pagbagsak ng diktadurang Marcos, bumuwelo ang gawaing internasyunal. Malaki ang naitulong ng GC-NPA sa pioneering efforts sa government at Party relations; gayundin sa diplomatic at quasi-diplomatic work at mga ispesyal na proyekto.


Sa konkreto naisagawa ang mga sumusunod:

pagbubukas ng relasyon sa Workers Party of Korea (party to party);
pagbubukas ng relasyon sa PFLP (Habash faction ng PLO);
pagbubukas ng relasyon sa PFLP-GC (Jebril faction ng PLO);
pagbubukas ng relasyon sa gubyerno ng Libya (hindi sa NDF at Partido);
pagbubukas ng relasyon sa Socialist Alliance of the Working People of Yugoslavia (SAWPY);
pagbubukas ng relasyon sa DFLP (Hawatmeh faction ng PLO — ito ang Maoist faction ng PLO);
pagbubukas ng relasyon sa JRA;
pagbubukas ng relasyon sa ASALA (Armenian Secret Army for the Liberation of Armenia);
pagbubukas ng relasyon sa FSLN (Sandinista in Nicaragua);
pagbubukas ng relasyon sa PCS (CP ng El Salvador).


Mula noong 1987–1989, umunlad ang relasyon sa mga nabanggit sa itaas at tumungo ito sa kritikal na kooperasyon at pagtutulungan. Gayundin, nadagdagan pa ang nabuksang relasyon. Sa partikular, bunga ng pursigidong pagsisikap, pangunahin ng GC-NPA, nakuha natin ang komitment ng ilang bansa at Partido sa pagbibigay ng pinansyal na tulong, armas at treyning sa pwersa ng NPA. Naestablisa din ang mga front trading companies sa Hongkong, Belgium at Yugoslavia.


Nabuksan din ang relasyon sa Albania; at nadalaw din ng NDF at GC ang Zambia, Tunis at Tanzania; kaugnay ng pagpasok ng armas mula sa mnga nagkomit may ginawang technical explorations sa Poland at Vietnam. Nakapagpadala din ng mga representatives ng NDF at GC sa Cuba. Sa yugtong ito, pormal na pinag-iba ang tungkulin ng NDF at ng ID ng CC na nakabase lahat sa Holland. Liban sa pagbubuo ng Partido sa Holland, naipadala din ng NDF ang mga country representatives nito sa Germany, France, Italy, Greece, Ireland, US, Sweden at sa Middle East.

Noong 1990, nagpatuloy ang pagsisikap na makapagbukas ng relasyon sa Sobyet bloc ngunit na-reject tayo. Nagsikap din ang NDF na magbukas ng relasyon sa Iraq sa kasagsagan ng Desert Storm ngunit pumalya ito. Ang GC-NPA ay nagkaroon ng di-opisyal na explorations sa Bulgaria,

Romania, Algeria, Panama, Peru at Brazil; nakapag-establisa ito ng working cooperation sa peruvian Communist Party (Patria Roja), working cooperation with MIR (Chile) sa Cuba, working cooperation sa JRA at sa Algerian military.


Mula 1992, bunga ng debate at tuluyang pagka-isplit ng Partido at sa naging epekto ng pagbagsak ng Partido sa Unyong Sobyet at sa Eastern Europe, naapektuhan nang todo ang gawaing internasyunal ng Partido. Sa yugtong ito ay nagyari ang pagsasara ng opisina ng NDF at GC sa Libya; nagkaroon ng mass resignation ng NDF country representatives sa Western Europe; dissolution/reorganization ng NDF international; drastic na pagliit ng solidarity work; pagkalas at pagdeklara ng independence ng mga solidarity groups sa Holland, Greece, France at Germany mula sa CPP at NDF. Naputol din ang ugnayan sa North Korea, Cuba, Peru, El Salvador, PFLP, DFLP, PLFP-GC, JRA, ASALA at pagsasara ng lahat ng trading companies abroad.


Sa kabuuan, marami ang nakamit na tagumpay sa gawaing internsyunal, laluna pagkatapos ng 9th plenum. Ang gawain sa labas ng bansa ay ibinunsod din ng pangangailangan ng pagtataas ng antas ng PPW. Malaki ang naging papel dito ng GC-NPA. Ngunit mabilis din itong umatras laluna sa proseso ng debate sa loob ng Partido at sa isplit na nangyari at sa pagbagsak ng mga Partido sa Unyong Sobyet at Silangang Europe. Dapat malalimang masuri at malagom ang karanasang ito.


Mula noong mahati ang Partido, nagpatuloy ng kanya-kanyang solidarity work ang iba’t-ibang paksyon. Ang RPM sa gabay ng proletarian internationalism, anti-imperialism at pag-aaral ng mga kadahilan ng pagbagsak ng Partido Komunista sa Unyong Sobyet at Eastern Europe at pagtakwil sa Stalinismo at Maoismo, ay nagsasagawa din ng international work sa kasalukuyan at nagsisikap na makapag-establisa ng people to people, government to government at party to party relations. Sa kabuuan, nasa inisyal na yugto ang pagsisikap na ito ng RPM.


D. Karanasan sa Anti-Impiltrasyon na Kampanya

Madilim at mapait na bahagi ng kasaysayan ng Partido ang mga nailunsad na kampanya laban sa impiltrasyon ng kaaway. Ang mga napatunayang mali ay ang Kampanyang Ahos sa Mindanao noong 1985–1986, ang Operation Missing Link sa Southern Tagalog at Olympia sa MR noong 1988. Nangyari ang mga naturang kampanya sa gitna ng naging masalimuot at buhay-kamatayang labanan sa kanayunan at kalunsuran. Sa yugtong kumplikado ang suliraning kinakaharap sa gitna ng matitinding atake ng kaaway at kaakibat na dahan-dahang paghina ng kilusan mula noong 1986.